UNANG BATCH NG BRGY. KAGAWADS, LUMAHOK SA GOGO ISABELA TRAINING CARAVAN

Isa sa mga makabuluhang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan, ay muling nagbabalik kung saan, nasa 80 na mga Barangay Kagawads mula sa 22 na malalapit na barangays ang dumalo sa nasabing caravan noong ika-29 ng Agosto, na naganap sa 2nd floor ng Pasangen Commercial Complex (PCC). Matatandaan […]
LUNGSOD NG ISABELA, TAMPOK SA FAMILIARIZATION TOUR NG PHILIPPINE TRAVEL AGENCIES ASSOCIATION; DOT USEC. KABILANG SA MGA PANAUHIN
Matagumpay na naisagawa sa Lungsod ng Isabela noong Agosto 29 ang familiarization tour ng Philippine Travel Agencies Association (PTAA), ang pinakamalaking asosasyon ng industriya ng pagbyahe sa bansa. Mainit na sinalubong ng lungsod ang mga panauhin, kabilang si Pangalawang Kalihim para sa Turismong Halal at Ugnayang Muslim Myra Paz Valderrosa-Abubakar ng Kagawaran ng Turismo (DOT). […]
SARDINE SUSTAINABILITY PROJECT NG DA-BFAR, NAGPAABOT NG SUPORTA SA MGA MANGINGISDA NG LUKBUTON

Upang mapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda at maisulong ang seguridad sa pagkaing-dagat, isinagawa ng Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang-Tubig (BFAR) ang pagsasalin ng mga kagamitang post-harvest sa ilalim ng Sardine Sustainability Project noong Agosto 28 sa Barangay Lukbuton. Ang mga kagamitang tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P81,000 ay kinabibilangan ng kumpletong kagamitan para sa pagpoproseso […]
MAYOR DADAH, NAJATUON SA KAUNLARANG PANLAHAT SA IBA’T IBANG MGA PAGPUPULONG

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang serye ng pagpupulong kasama ang mga kinatawan ng PhilHealth at Landbank ika-28 ng Agosto sa Bulwagang Panlungsod upang talakayin ang mga programang makapagpapalakas sa serbisyong pangkalusugan at pagpapaunlad pang-ekonomiya ng Lungsod ng Isabela. Nakipagpulong ang Claims and Accreditation Team ng PhilHealth Local Health Insurance Office, na kinabibilangan […]
SA PAGBISITA KAY MAYOR DADAH: DTI-ZAMBOANGA PD ADUCA, NAGLATAG NG MGA NAKAMIT AT MGA PLANO

Malugod na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman si Grace D.C. Aduca, Direktor ng Tanggapan ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) sa Lungsod ng Zamboanga, sa isang pagbisita, ika- 28 ng Agosto sa Bulwagang Panlungsod. Kasama ni Direktor Aduca sina Business Development Division Chief Angelie Amazon, Senior Trade-Industry Development Specialist Joe Darryl Jaron, […]
REHIYON NA KUMPERENSYA PARA SA PAGPAPLANO UKOL SA ZPRAA 2026, IDINAOS

Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) IX, katuwang ang DepEd SDO-Isabela City sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ang Coordination and Planning Conference para sa 2026 Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Qualifying Meet na ginanap noong Agosto 26–29 sa BNHS Gymnasium. Layunin ng naturang kumperensiya na opisyal na simulan ang mga paghahanda para […]
BIOGAS POWER PLANT BILANG ISA SA SOLUSYON KONTRA BLACKOUT SA BASILAN, PINAG-AARALAN

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagtanggap sa mga kinatawan ng Secura International sa isinagawang investment briefing, ika-27 ng Agosto. Sa pagpupulong, ipinresenta ng Fibertech Secura Renewables ang kanilang plano na pagtatanim at paggamit ng napier grass bilang pangunahing feedstock para sa itatayong Biogas Power Plant—isang makabagong hakbang upang tugunan ang hamon sa […]
PAGHAHANDA PARA SA ZPRAA 2026, SENTRO NG PAGPUPULONG NG CDC

Sa pamumuno ng Tagapangulo ng City Development Council (CDC) na si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ginanap ang ang isang papgpupulong, ika-27 ng Agosto, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay ng pondo at mga proyektong pangkaunlaran ng lungsod. Dumalo sa pagpupulong sina Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, mga konsehal na sina James Abner Rodriguez, Jeromy […]
IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN READING PROGRAM SA KAUMPURNAH ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang sesyon na ng Sakayan-Kaalaman Reading Program 3.0 ang isinagawa sa Kaumpurnah Elementary School noong ika-26 ng Agosto, na nilahukan ng 100 piling mag-aaral mula ika-2 hanggang ika-6 na baitang. Ang programang ito, na inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay layong palakasin ang kasanayan sa pagbasa at isinusulong bilang bahagi ng pagpapayabong sa […]
MGA KATUTUBONG KABABAIHAN, NAGSANAY SA PANANAHI

Pormal nang sinimulan noong Agosto 25 ang pagsasanay sa Dressmaking sa ilalim ng HAPISABIDA Livelihood/Employment Pathway Program, na dinaluhan ng mga miyembro ng Indigenous People Isabela Women’s Association (IPIWA). Tatagal ang pagsasanay hanggang ika-29 ng Agosto. Bahagi ang pagsasanay ng Gender and Development (GAD) Livelihood and Technical Training Program na ipinatutupad ng Tanggapan ng Serbisyo […]
