SARDINE SUSTAINABILITY PROJECT NG DA-BFAR, NAGPAABOT NG SUPORTA SA MGA MANGINGISDA NG LUKBUTON

Upang mapalakas ang kabuhayan ng mga mangingisda at maisulong ang seguridad sa pagkaing-dagat, isinagawa ng Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang-Tubig (BFAR) ang pagsasalin ng mga kagamitang post-harvest sa ilalim ng Sardine Sustainability Project noong Agosto 28 sa Barangay Lukbuton.
Ang mga kagamitang tinatayang nagkakahalaga ng humigit-kumulang P81,000 ay kinabibilangan ng kumpletong kagamitan para sa pagpoproseso ng bottled fish commodities gaya ng sardinas at boneless bangus. Ito ay ibinahagi sa BANGSASAMA Association sa pangunguna ng kanilang presidente na si Ikram Amain.
Dumalo sa aktibidad sina Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, BFAR OIC Isabela City Fishery Officer Robert Aporado; mga kinatawan mula sa IX na sina Merza Rasad at Puraida Abdullah; gayundin ang mga kawani ng Tanggapan ng Agrikultura (CAgO).
Ginanap ang turnover sa BANGSASAMA Post-Harvest Facility na kasalukuyang itinatayo sa parehong lugar kung saan matatagpuan ang Samahang Makakalikasan (SAMAKA). (Ambag na Ulat/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)
#HAPIsabela
#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »