LUNGSOD NG ISABELA, PAGDARAUSAN NG GSP WESTERN MINDANAO REGIONAL COMMITTEE MEETING

Ngayong Araw ng mga Bayani, ika-25 ng Agosto, binisita ng Basilan Girl Scout Council sa pamumuno ni Ruby Anne Yu si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman upang pormal na ipaalam ang nalalapit na Girl Scouts of the Philippines – Western Mindanao Region 3rd Regional Committee Meeting na nakatakdang idaos sa Lungsod ng Isabela mula ika-4 hanggang […]
OPERATION BLESSING MEDICAL MISSION, MAGDADALA NG SERBISYO SA 1,500 ISABELAÑO

Sa Pambansang Araw ng mga Bayani, ika-25 ng Agosto, tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagbisita ng Operation Blessing Foundation Philippines, Inc. (OB) sa pangunguna nina Donna Villagracia (Program Coordinator) at mga kasama na sina Ruel Jalon at Abraham Oliveros, sa pamamagitan ni Konsehal Alexes Ututalum, kaugnay ng kanilang isasagawang isang linggong Operation […]
ISATV AT BCH CABLE TV NETWORK, PUMIRMA NG MOA PARA SA MAS MALAWAK NA SERBISYONG PANG-IMPORMASYON

Sa layuning mas mapalawak ang abot ng serbisyong pang-impormasyon para sa mga Isabeleño at ipagpatuloy ang kasunduan sa pagitan ng IsaTV ng Pamahalaang Lungsod at BCH Cable TV Network, pormal nang muling nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapanatili ng pagapapalabas IsaTV Channels sa BCH Cable TV Network, ika-25 ng Agosto. Pinangunahan mismo […]
IBA’T IBANG GRUPO, NAKAKUHA NG PONDONG PAMPUHUNAN MULA DSWD-SLP

Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP), matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ang Seed Capital Fund Turn-over Ceremony para sa iba’t ibang Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA) sa Lungsod ng Isabela, ika-22 ng Agosto. Pinangunahan ang seremonya ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Provincial Coordinator ng […]
DA, NAGPAABOT NG HIGIT 27 MILYON-HALAGA NG TULONG PANG-AGRIKULTURA SA LUNGSOD

Sa layuning patatagin ang lokal na sektor ng agrikultura at itaas ang kita ng mga magsasaka, idinaos ngayong araw, ika-22 ng Agosto, ang pagsasalin ng mga makinaryang pang-agrikultura, at iba pang suporta sa produksiyon na pinangunahan ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela na pinamumunuan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. […]
IBA’T IBANG BARANGAY SK, NAGTAGISAN SA ‘BATTLE OF THE BRAINS’
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) sa pangunguna ni Hepe Levinia Jarejolne ang Battle of the Brains noong ika-20 ng Agosto 20. Ang paligsahan ay binubuo ng tatlong round—Easy, Average, at Difficult—na sumubok sa talino at kaalaman ng kabataan tungkol sa kasaysayan […]
GOGO ISABELA CARAVAN MULING NAGBABALIK, MGA GIP KALAHOK SA PAGSASANAY

Isa sa mga makabuluhang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ang GoGo (Good Governance) Isabela Training Caravan, ay muling nagbabalik kung saan, 80 na mga dating Government Internship Program (GIP) ang nagsilbing mga kalahok, ika-20 ng Agosto. Matatandaan na ang GoGo (Good Governance) Isabela Caravan ay rumonda na sa 45 na barangays, 3 Eskwela Caravans, […]
YOUTH SPACE MENTORS NG SAKAYAN KAALAMAN, NAGSANAY NG PAGTUTURO SA PAGBABASA NG MGA BATA

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa implementasyon ng Sakayan-Kaalaman 3.0, nagsagawa ng oryentasyon ang DepEd SDO–Isabela City katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela para sa mga boluntaryo ng Youth Space Mentoring Program (YSMP) noong Agosto 20 sa Kaumpurnah Elementary School. Layon ng aktibidad na ihanda ang mga boluntaryo sa kanilang mga gampanin sa darating na programa, […]
SA KAUNA-UNAHANG PAGDAOS NG ‘DAGYAW TOWN HALL MEETING’ SA LUNGSOD NG ISABELA – HIGIT ISANG LIBO DUMALO

Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Lungsod ng Isabela nang idaos dito ang kauna-unahang 2025 Dagyaw Open Government Town Hall Meeting noong Agosto 19 sa Isabela City Civic and Cultural Center. Pinangunahan ito ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal (DILG) katuwang ang Ahensyang Pang-impormasyon ng Pilipinas (PIA), Kagawaran ng Badyet at Pamamahala […]
PAGSULONG SA KAUNLARAN NG LUNGSOD, TAMPOK SA MGA PAGPUPULONG NI MAYOR DADAH

Personal na sinalubong ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga kinatawan ng Development Bank of the Philippines (DBP) sa kanilang courtesy call noong Agosto 19 sa Bulwagang Panlungsod (City Hall). Layunin ng pagbisita na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at suportahan ang mga proyektong pangkaunlaran ng lungsod. Ipinahayag din ng pamunuan ng DBP ang […]
