MGA KATUTUBONG KABABAIHAN, NAGSANAY SA PANANAHI

Pormal nang sinimulan noong Agosto 25 ang pagsasanay sa Dressmaking sa ilalim ng HAPISABIDA Livelihood/Employment Pathway Program, na dinaluhan ng mga miyembro ng Indigenous People Isabela Women’s Association (IPIWA). Tatagal ang pagsasanay hanggang ika-29 ng Agosto.
Bahagi ang pagsasanay ng Gender and Development (GAD) Livelihood and Technical Training Program na ipinatutupad ng Tanggapan ng Serbisyo sa Pampublikong Empleyo (PESO), katuwang ang TESDA IX.
Sa pangunguna ng kanilang tagapagsanay na si Georgina Diaz, itinuro sa mga kalahok ang mga pangunahing kaalaman sa paggawa ng kasuotan, gaya ng batayang kasanayan sa pananahi, mahahalagang elemento ng dressmaking, at wastong paggamit ng makinang panahi at iba’t ibang kagamitan. (Sulat ni SJ Asakil, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »