PAGHAHANDA PARA SA ZPRAA 2026, SENTRO NG PAGPUPULONG NG CDC

Sa pamumuno ng Tagapangulo ng City Development Council (CDC) na si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ginanap ang ang isang papgpupulong, ika-27 ng Agosto, kung saan tinalakay ang mahahalagang usapin kaugnay ng pondo at mga proyektong pangkaunlaran ng lungsod.
Dumalo sa pagpupulong sina Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, mga konsehal na sina James Abner Rodriguez, Jeromy Casas, Yusop Abubakar, Khaleedsher Asarul, Jashim Tiplani, at Karel Annjaiza Sakkalahul-Hataman, kasama rin ang Tagapangasiwa ng Lungsod na si Pedrito Eisma at mga Punong Barangay.
Kabilang sa mga pangunahing agenda ang paghahanay ng P49,200,000 mula sa 20% Development Fund para sa taong 2023, 2024, at 2025 upang pondohan ang mga proyekto bilang paghahanda ng Lungsod ng Isabela bilang pagdadausan ng Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Meet 2026. Isasama ito sa Supplemental Annual Investment Program (AIP) para sa CY 2025.
Inaprubahan rin ang paggamit ng Local DRRM Special Trust Funds na nagkakahalaga ng P2,495,900 para sa pagbibili at pagkakabit ng Radio Communication Network upang higit pang mapalakas ang emergency response at disaster operations, batay sa presentasyon ni CDRRMO Uso Dan Salasim.
Tinalakay din ang presentasyon ni Imelda Lidasan, KALAHI-CIDSS Area Coordinator, hinggil sa Sustainability Plan para sa Community Driven Development Implementation. Inirekomenda rin ang paghahanay ng proyektong Construction of Women’s Crisis Center mula Barangay Sunrise patungong Barangay Tabuk, na may parehong pondo na P5,000,000, ayon sa presentasyon n Engr. Reynaldo Dagohoy, Inhinyero ng Lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »