IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN READING PROGRAM SA KAUMPURNAH ELEMENTARY SCHOOL

Ikalawang sesyon na ng Sakayan-Kaalaman Reading Program 3.0 ang isinagawa sa Kaumpurnah Elementary School noong ika-26 ng Agosto, na nilahukan ng 100 piling mag-aaral mula ika-2 hanggang ika-6 na baitang. Ang programang ito, na inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay layong palakasin ang kasanayan sa pagbasa at isinusulong bilang bahagi ng pagpapayabong sa literasiya ng kabataang Isabeleño.
Katuwang ng Tanggapan ng Impormasyong Panlungsod (CIO) at Lokal na Tanggapan para sa Kalinangang Pangkabataan (LYDO), tampok din sa programa ang Tanggapan ng Pamamahalang Pampopulasyon at Pangkaunlaran/Tanggapan ng Ugnayang Pangnutrisyon (CPMDO/CNAO) na nagbahagi ng kaalaman hinggil sa wastong nutrisyon. Upang mas mapasigla ang talakayan, nagkaroon sila ng trivia questions para sa mga mag-aaral at namahagi rin ng mainit na arroz caldo mula sa kanilang Mobile Kitchen.
Bago ang pormal na pagbasa, nagsagawa ng paunang pagsusuri ang mga boluntaryo ng Youth Space Mentoring Program upang matukoy ang kahinaan at pangangailangan ng bawat mag-aaral. Magsisilbi itong gabay sa mas angkop na pagtuturo at pagsasanay sa mga susunod na sesyon.
Isinasagawa tuwing Martes at Miyerkules, ang Sakayan-Kaalaman Reading Program ay binubuo ng isang oras na lektura mula sa mga katuwang na tanggapan at dalawang oras na nakalaan para sa pagbasa at paglinang ng literasiya. Sa kabuuang 20 sesyon, makatatanggap ang mga kalahok ng nakatuong suporta mula sa kanilang mga mentor na susubaybay at susuri sa kanilang antas ng pagbasa.
Bukod sa pagsusulong ng literasiya, pinagyayaman din ng programa ang kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa kalusugan at wastong nutrisyon—na umaayon sa mas malawak na adbokasiya ng pamahalaang lungsod para sa pangkabuuang pag-unlad ng kabataan.
Dagdag pa rito, tampok din sa programa ang HAPIsabela Mobile Library na nagdadala ng karagdagang mga babasahin at nagbibigay ng mas makulay na karanasan sa pagkatuto para sa mga mag-aaral. (Sulat ni E. Banding-Hadjala, CIO)/Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »