BIOGAS POWER PLANT BILANG ISA SA SOLUSYON KONTRA BLACKOUT SA BASILAN, PINAG-AARALAN

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang pagtanggap sa mga kinatawan ng Secura International sa isinagawang investment briefing, ika-27 ng Agosto.
Sa pagpupulong, ipinresenta ng Fibertech Secura Renewables ang kanilang plano na pagtatanim at paggamit ng napier grass bilang pangunahing feedstock para sa itatayong Biogas Power Plant—isang makabagong hakbang upang tugunan ang hamon sa suplay ng kuryente sa Basilan.
Tinatayang makikinabang ang mahigit 1,500 ektarya ng dating nakatiwangwang na lupang agrikultural sa lungsod, na muling gagawing produktibo sa pamamagitan ng pagtatanim at pagsasaka ng napier grass.
Dumalo sa pagpupulong sina Danilo Manayaga, tagapangulo ng Secura International Corporation, kasama si genetic engineer Frank Shotkoski, pangulo ng Fibertech Efren Navarrosa, at Engr. Salvador Ocampo. Kumatawan naman sa Sulô Barakah Ventures si CEO Tani Basman.
Kabilang din sa mga opisyal na nakiisa sa presentasyon sina Agrikultor ng Lungsod Maria Gina Alberto, Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera, CGSO Eugene Strong, at mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Pagpaplano at Pagpapaunlad (CPDO). (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »