IBA’T IBANG GRUPO, NAKAKUHA NG PONDONG PAMPUHUNAN MULA DSWD-SLP

Sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP), matagumpay na isinagawa ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) ang Seed Capital Fund Turn-over Ceremony para sa iba’t ibang Sustainable Livelihood Program Associations (SLPA) sa Lungsod ng Isabela, ika-22 ng Agosto.
Pinangunahan ang seremonya ng DSWD sa pamamagitan ng kanilang kinatawan na si Provincial Coordinator ng Zamboanga-Isabela City Cluster, Melanie Ladjamalik, at dinaluhan din ito ni Bokal ng Unang Distrito Ahmed Ibn Djaliv Hataman na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni Bokal Hataman na ang seed capital ay hindi lamang para sa pagpapaunlad ng kabuhayan, kundi isang mahalagang susi sa paglago ng lokal na ekonomiya, sapagkat ang tagumpay ng maliliit na negosyo ay nagdudulot ng pag-unlad para sa buong lungsod at lalawigan.
Binigyang-diin naman ni PC Ladjamalik na ang pamamahagi ng seed capital funds at mga proyektong pangkabuhayan sa limang SLPA group sa lungsod ay isang mahalagang hakbang para sa pagpapaunlad ng komunidad. Ayon sa kanya, ang SLP ay higit pa sa pinansyal na tulong—ito ay isang pakikipagtulungan na nagpapalakas ng kakayahan, kasanayan, at katatagan tungo sa ganap na pagsasarili. Nagpasalamat din siya sa suporta ng Pamahalaang Lungsod at hinikayat ang mga benepisyaryo na maging masipag at dedikado upang magtagumpay ang kanilang mga negosyo.
Kabilang sa mga nakatanggap ng pondo ang Lampinigan Sakayang Pantawid SLPA na may P600,000 para sa proyektong local at tourist transport. Pinagkalooban din ang Begang Egg Producers SLPA ng P600,000 para sa kanilang negosyo sa produksyon ng itlog.
Tumanggap din ng P500,000 ang Sea Sweepers Sakayan SLPA, na ginamit para makabili ng 30 pump boat engines para sa kanilang kabuhayan bilang mga bangkero. Samantala, nakatanggap ng P600,000 ang HAPI Tabuk Micro SLPA para sa rolling bakery at catering services, habang ang HAPI Lukbuton Micro SLPA naman ay nabigyan ng P500,000 para sa pagtatayo ng water refilling station. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »