YOUTH SPACE MENTORS NG SAKAYAN KAALAMAN, NAGSANAY NG PAGTUTURO SA PAGBABASA NG MGA BATA

Bilang bahagi ng pagpapatibay sa implementasyon ng Sakayan-Kaalaman 3.0, nagsagawa ng oryentasyon ang DepEd SDO–Isabela City katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela para sa mga boluntaryo ng Youth Space Mentoring Program (YSMP) noong Agosto 20 sa Kaumpurnah Elementary School.
Layon ng aktibidad na ihanda ang mga boluntaryo sa kanilang mga gampanin sa darating na programa, partikular sa pagtuturo, paggabay, at paghahanda ng 100 mag-aaral na kanilang tuturuan. Sa pamamagitan nito, inaasahang mas magiging organisado at epektibo ang kanilang pakikilahok sa pagpapatupad ng inisyatiba.
Pinangunahan ang oryentasyon ni Public Schools District Supervisor at Division Reading Coordinator ng SDO-Isabela City Dr. Fadher Ismael, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng komitment at koordinasyon ng bawat boluntaryo upang higit pang mapalakas ang kultura ng pagbabasa at pagkatuto sa lungsod.
Naroon din si Public Schools District Supervisor–Isabela East District II Rachel Oliveros at si Rasheeva Atara, punongguro ng Kaumpurnah Elementary School, upang magpahayag ng kanilang suporta sa isinagawang aktibidad. (Sulat ni E. Banding-Hadjala, CIO/Kuha ni A. Puti, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »