LUNGSOD NG ISABELA, PAGDARAUSAN NG GSP WESTERN MINDANAO REGIONAL COMMITTEE MEETING

Ngayong Araw ng mga Bayani, ika-25 ng Agosto, binisita ng Basilan Girl Scout Council sa pamumuno ni Ruby Anne Yu si Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman upang pormal na ipaalam ang nalalapit na Girl Scouts of the Philippines – Western Mindanao Region 3rd Regional Committee Meeting na nakatakdang idaos sa Lungsod ng Isabela mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre.
Sa nasabing pagbisita, ibinahagi ng Konseho ang kanilang mga paghahanda at suportang kailangan mula sa lokal na pamahalaan. Binigyang-diin rin ang kahalagahan ng pagtitipong ito na magsasama-sama ng mga lider at kasapi ng Girl Scouts mula sa iba’t ibang panig ng Kanlurang Mindanao. Layunin nitong higit pang palakasin ang pamumuno, pagkakaisa, at diwa ng paglilingkod sa hanay ng mga kabataang babae.
Ipinahayag naman ni Alkalde Turabin-Hataman ang kanyang taos-pusong suporta at pasasalamat sa Girl Scouts para sa kanilang patuloy na pagsusumikap na hubugin ang kabataan tungo sa pagiging responsable, may malasakit, at nbigyang-kapangyarihan na mamamayan.
Muling pinagtitibay ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang pangako nitong suportahan ang mga programang naglalayong linangin at paunlarin ang kakayahan ng mga kabataang lider—sapagkat ang kabataan ngayon ang magsisilbing matatag na haligi ng ating pamayanan sa hinaharap. (Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »