‘YOUTH VOLUNTEERS’ DAY OF SERVICE’, NAGHATID NG SAYA’T SERBISYO SA 197 MAG-AARAL NG WESTSIDE ELEMENTARY SCHOOL

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo, learning sessions, at volunteer activities ang HAPIsABELA Youth Volunteers: A Day of Service 2026 sa 197 mag-aaral ng Westside Elementary School noong Agosto 20, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng youth volunteerism at community service sa Lungsod ng Isabela.

Isinagawa ang aktibidad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng Lokal na Tanggapan ng Pag-unlad ng Kabataan (LYDO) at pinondohan sa ilalim ng Gender and Development (GAD) Program.

Layunin ng taunang youth volunteerism initiative na itaguyod ang makabuluhang pakikilahok ng kabataan habang inilalapit sa mga komunidad ang mahahalagang serbisyo, adbokasiya, at suporta.

Binigyang-diin ni CIO at GAD Focal Person Mendry-Ann Lim ang kahalagahan ng GAD sa paglikha ng ligtas at inklusibong espasyo para sa mga bata. Tinalakay niya ang paggalang, pagkakapantay-pantay, dignidad, kabutihan, at pagtanggap sa pagkakaiba-iba bilang mahahalagang pagpapahalaga sa pagbuo ng ligtas at inklusibong kapaligiran para sa bawat bata.

Kasabay nito, isinagawa ang HAPPY and SAFE School Sessions na nakatuon sa bullying prevention at school safety. Sa pamamagitan ng mga talakayan at age-appropriate na aktibidad, tinulungan ang mga mag-aaral na maunawaan kung ano ang bullying, ang epekto nito sa iba, at ang kanilang papel sa pagbuo ng masaya, ligtas, at magalang na paaralan. Itinuro rin sa kanila kung paano humingi ng tulong sa isang pinagkakatiwalaang nakatatanda.

Bukod sa learning sessions, naghatid din ang programa ng mga serbisyong direktang mapapakinabangan ng mga mag-aaral at kanilang pamilya.

Nagkaloob ang Tanggapan ng Rehistro Sibil ng libreng pagrerehistro para sa mga batang walang birth certificate at kanilang mga magulang o guardian. Kabilang dito ang assessment ng civil registration concerns, orientation tungkol sa birth registration at delayed registration, at gabay sa mga kinakailangang dokumento.

Samantala, nagbigay naman ang 19th Special Forces “Magnitude” Company ng libreng gupit bilang bahagi ng pagsusulong ng personal hygiene at self-care ng mga mag-aaral. Isinagawa rin ang pormal na turnover ng mga nalikom mula sa Singlab Fun Run 2026, kung saan ipinagkaloob sa Westside Elementary School ang dalawang stand electric fans at school supplies para sa mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng HAPISABELA Youth Volunteers: A Day of Service 2026, naipakita ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa serbisyo at volunteerism, habang sama-samang itinataguyod ng Pamahalaang Lungsod, paaralan, volunteers, at mga partner ang isang ligtas, inklusibo, at supportive na kapaligiran para sa mga bata. (Sulat ni E. Banding/Kuha ni M. Santos, CIO)

#LinggoNgKabataan2026

#LiNK2026

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

M4GG CONVENORS, INILUNSAD ANG ‘3 YEARS OF GOOD GOVERNANCE LEADERSHIP SUMMIT’

Tatlong taon ng pagsusulong ng good governance, accountable leadership, at makabuluhang pagbabago. Nagsama-sama ang mga Mayors for Good Governance (M4GG) convenors at ibang local government leaders na nagsusulong ng good governance sa inilunsad nitong “3 Years of Good Governance Leadership Summit” noong Agosto 22, upang magbahagi ng karanasan, matuto mula

Read More »

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »