ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang 20, layunin ng pagtitipon na palakasin ang pagtutulungan sa solid waste management, pangangalaga sa kapaligiran, at pagsusulong ng napapanatiling pamumuhunan.

Sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, isinagawa ang summit sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB IX), Mindanao Development Authority (MinDA), at European Union–Philippines Green Economy Partnership (EU-PH GEP) sa ilalim ng Global Gateway Initiative.

Tampok sa pambungad na programa ang mga sea sweeper ng lungsod sa pamamagitan ng Fluvial Parade, na nagbigay-diin sa mga hakbang ng Lungsod ng Isabela upang tugunan ang coastal solid waste at pangalagaan ang marine environment na idinaos sa JW Strong Boulevard patungong Fuego-Fuego Beachfront.

Nakiisa sa aktibidad sina DENR-EMB IX Regional Director Atty. Abas Lao, EMB Central Office SWM Division Chief Jepp Farrales, EMB R9 EMED Division Chief Rene Giron, DTI Senior TIDS Helen Mae Hamid, JH Cerilles President Dr. Edgardo Rosales, PCA Zamboanga Research Center Department Manager Dr. Liberty Canja, DepEd IX EdD PDO IV Kathleen Padilla, DOST Senior SRS Kevin Carl Ramiso, DA APCO Arnulfo Estrada, HDF Energy Philippines Engr. Esther Dawn Rebollo, at Jonathan Co ng Sentinel Plastics Manufacturing Corp at mga tagapangulo ng tanggapan ng lungsod.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Punong Lungsod Turabin-Hataman na ang pagiging tagapangasiwa ng summit ay hindi lamang isang karangalan kundi pagkakataon din upang maipakita ang mga inisyatiba ng lungsod sa pangangalaga sa kapaligiran at ang pananaw nitong iugnay ang pangkapaligirang aksyon para sa pamumuhunan at kaunlaran.

Ayon sa alkalde, mahalagang may konkretong pamumuhunan sa likod ng mga environmental commitment. Binigyang-diin din niya na ang tagumpay ng mga programa ng pamahalaan ay hindi lamang nasusukat sa pagsunod sa mga polisiya at regulasyon, kundi sa aktuwal na pagbabagong naidudulot ng mga ito sa buhay ng mga tao.

Ibinahagi rin ni Mayor Turabin-Hataman ang paglalakbay ng lungsod tungo sa pag-unlad, na kinailangang harapin ang mga hamon dulot ng tunggalian at kahirapan. Sa kabila nito, sinabi niyang patuloy na nagsisikap ang administrasyon na tiyaking walang maiiwan sa proseso ng pagbabago.

Kabilang sa mga pag-unlad na binanggit ng alkalde ang paglago ng turismo at negosyo, ang pagho-host ng ZPRAA makalipas ang 22 taon, at ang pagbaba ng poverty incidence ng lungsod sa 10 porsyento.

Samantala, binigyang-diin ni Mayor Alfredo Coro ng Del Carmen, Surigao del Norte ang kahalagahan ng malapit na pakikipagtulungan sa pagtugon sa mga usaping pangkalikasan. Aniya, kinakailangan ang pagtutulungan ng iba’t ibang stakeholder upang mapagsama ang kanilang kakayahan at resources tungo sa mga layuning magkakatulad. Binigyang-diin naman naman ni MinDA Deputy Executive Director Asec. Romeo Montenegro ang kahalagahan ng blue economy, access sa enerhiya, at iba pang mahahalagang salik sa pagsusulong ng progreso at pag-unlad, partikular sa paglikha ng mga oportunidad para sa pamumuhunan, pagpapalakas ng lokal na ekonomiya, at pagtataguyod ng mas napapanatiling mga solusyon para sa komunidad.

Isa sa mga tampok ng programa ang pagkilala sa Coastal Solid Waste Management (SWM) Program ng LGU Isabela City, bilang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na tugunan ang mga usapin sa solid waste sa mga coastal area at itaguyod ang mas napapanatiling mga kasanayang pangkapaligiran.

Para sa Lungsod ng Isabela, nagsilbi rin ang pagho-host ng summit bilang plataporma upang maibahagi ang patuloy nitong paglalakbay tungo sa inklusibo at napapanatiling pag-unlad—isang direksyong nakatuon sa pamumuhunan sa mga solusyon, pagpapalakas ng pakikipagtulungan, pangangalaga sa ecosystem, at pagtiyak na ang progreso ay nagdudulot ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng mga mamamayan.

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGDINIG SA BADYET PARA SA 2027

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isinagawang Budget Hearing bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at paghahanda ng badyet ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-17 ng Agosto sa CHO Conference Room. Tinalakay sa hearing ang mga presentasyon mula sa Finance Committee kabilang ang City Budget Office, City Accounting

Read More »