IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17.

Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang si LYDO Officer Levinia Jarejolne.

Nakibahagi rin sa nasabing sesyon ang Tanggapan ng Pamamahalang Pampopulasyon at Pangkaunlaran/Tanggapan ng Ugnayang Pangnutrisyon (CPMDO/CNAO) sa pangunguna ni CPMDO/CNAO Jessielyn Puno, kasama ang Westside Elementary School na pinamumunuan ni Punongguro Nurrahma Abubakar.

Sa unang bahagi ng programa, ibinahagi ng CPMDO/CNAO ang mahahalagang kaalaman tungkol sa iba’t ibang uri ng pagkain, wastong nutrisyon, at kahalagahan ng pagpili at pagkain ng mga pagkaing masustansiya. Layunin nitong mahubog ang kamalayan ng mga mag-aaral sa tamang pagpili ng pagkain at pangangalaga sa kanilang kalusugan at pangangatawan.

Sinundan ito ng isang sesyon sa pagbasa na pinangunahan ng Youth Space Mentoring Program (YSMP), kung saan nagkaroon ang mga mag-aaral ng pagkakataong malinang ang kanilang kasanayan sa pagbasa sa pamamagitan ng mga masaya, malikhaing, at makabuluhang gawaing pampagkatuto.

Patuloy na nagsisilbing daan ang Sakayan-Kaalaman 4.0 sa paghahatid ng kaalaman, pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa, at pagbibigay ng makabuluhang karanasan sa pagkatuto para sa mga kabataang Isabeleño. (Sulat ni J. Kalbi, CIO/Kuha ni J. Segovia, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGDINIG SA BADYET PARA SA 2027

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isinagawang Budget Hearing bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at paghahanda ng badyet ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-17 ng Agosto sa CHO Conference Room. Tinalakay sa hearing ang mga presentasyon mula sa Finance Committee kabilang ang City Budget Office, City Accounting

Read More »