Nagsagawa ng learning session at exchange ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela at Pamahalaang Bayan ng Del Carmen, Surigao del Norte noong Agosto 18 upang magbahagi ng mga kaalaman, karanasan, at mabubuting gawain sa pagpapaunlad ng lokal na ekonomiya.
Pinangunahan nina Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ng Lungsod ng Isabela at Mayor Alfredo Coro ng Del Carmen ang palitan ng kaalaman, na nakatuon sa mga programa at inisyatiba ng dalawang lokal na pamahalaan na maaaring magsilbing gabay sa pagpapaunlad ng kani-kanilang komunidad.




Dumalo rin sina DENR-EMB IX Regional Director Atty. Abas Lao at Jonathan Co ng Sentinel Plastics Manufacturing Corp. Kabilang din sa mga lumahok sina Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, CIO Mendry-Ann Lim, City Legal Officer Atty. Rosebell Sanson, Hepe ng LEDIPO Jaime Juanito Rivera, CPDC Gay Palagtiosa, CAgO OIC Engr. Tasneem Sali, LYDO Levinia Jarejolne, ENRO Albino Orbecido, at mga kinatawan mula sa iba pang tanggapan ng pamahalaang lungsod.
Sinundan ito ng open forum na nagsilbing pagkakataon para sa mas malalim na talakayan at pagbabahagi ng mga karanasan, programa, at posibleng hakbang tungo sa sustainable at inclusive local economic development.
Ang aktibidad ay bahagi ng EU-PH Green Economy Partnership at naglalayong palakasin ang inter-local government learning at collaboration tungo sa mas makabuluhang lokal na pag-unlad.






