‘YOUTH AMAZING RACE’, TAMPOK SA LINGGO NG KABATAAN 2026

Pinaghalo ang saya, pawis, at diwa ng pagtutulungan noong ika-3 ng Agosto sa ginanap na ‘Youth Amazing Race.’ Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa ilalalim ng administrasyon ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman sa pamamagitan ng Isabela City Local Youth Development Office na pinamumunuan ni LYDO Levinia Jarejolne, ito ay isa sa mga aktibidad na bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2026.

Ang mga kalahok sa hamong ito ay ang 88 lider-kabataan na sumali sa HAPIsabela Youth Summit: The Sixth Generation’ — kung saan sila sinubok upang ipakita ang kanilang husay sa pagtutulungan, pag-iisip, at pagkilos sa ilalim ng presyon.

‎Bawat koponan ay kinailangang maghanap muna ng sobre na naglalaman ng mapa at panuto patungo sa unang estasyon. Sa bawat estasyon, dapat kumpleto ang lahat ng kasapi bago pa man magsimula ang hamon. Sa tuwing matatapos ang isang gawain, itataas ang bandila bilang senyales sa marshal, na magbibigay ng isang piraso ng puzzle at ng susunod na sobre. Opisyal na matatapos ang laro kapag nabuo na ang buong puzzle sa finish line. patunay na kumpleto ang bawat hakbang ng paglalakbay ng koponan.

‎Bukod sa saya at kompetisyon, dala ng mga estasyon ang mas malalim na mensahe: kahandaan at pagmamalasakit sa kapwa. Sa pakikipagtulungan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa mga hamon ang Buhol ng Buhay, kung saan sinubok ang husay ng mga kabataan sa mga batayang rescue knots tulad ng square knot, bowline, at clove hitch; ang Sagip-Bahay, kung saan sama-samang binuo ng koponan ang isang ‘improvised stretcher’ at dinala ang isang “biktima” sa buong obstacle course nang hindi ito ibinababa sa lupa; at ang First Aid Relay, kung saan bawat kasapi ay may itinalagang gagawin, mula sa pagsuri ng responsiveness hanggang sa CPR compressions, bago maipasa ang susunod na hakbang sa kasunod na kasapi.

‎Sa pamamagitan ng mga hamong ito, hindi lamang bilis o lakas ang pinatunayan ng mga koponan, kundi ang halaga ng disiplina, tiwala sa isa’t isa, at pagtutulungan, mga katangiang sentro sa bisyon ng LYDO para sa kabataang Isabeleño.

‎Ang Linggo ng Kabataan 2026 ay isang taunang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa mahalagang papel ng kabataan bilang aktibong kasosyo ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng lungsod. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)

#LinggoNgKabataan2026

#LiNK2026

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

M4GG CONVENORS, INILUNSAD ANG ‘3 YEARS OF GOOD GOVERNANCE LEADERSHIP SUMMIT’

Tatlong taon ng pagsusulong ng good governance, accountable leadership, at makabuluhang pagbabago. Nagsama-sama ang mga Mayors for Good Governance (M4GG) convenors at ibang local government leaders na nagsusulong ng good governance sa inilunsad nitong “3 Years of Good Governance Leadership Summit” noong Agosto 22, upang magbahagi ng karanasan, matuto mula

Read More »

‘YOUTH VOLUNTEERS’ DAY OF SERVICE’, NAGHATID NG SAYA’T SERBISYO SA 197 MAG-AARAL NG WESTSIDE ELEMENTARY SCHOOL

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo, learning sessions, at volunteer activities ang HAPIsABELA Youth Volunteers: A Day of Service 2026 sa 197 mag-aaral ng Westside Elementary School noong Agosto 20, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng youth volunteerism at community service sa Lungsod ng Isabela. Isinagawa ang aktibidad ng Pamahalaang

Read More »

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »