PAGLUNSAD NG SAKAYAN KAALAMAN 4.0 AT NG BUKLATANG “SI ISA AT BELA”, OPISYAL NANG ISINAGAWA SA PAARALAN NG WESTSIDE

Kasabay ng paggunita sa Buwan ng Wika, masayang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon ng Lungsod (CIO) at sa pakikipagtulungan ng Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Isabela (DepEd), ang Sakayan Kaalaman 4.0, kasabay ng Paglulunsad ng Librong “Si Isa at Bela: Mga Munting Bayani ng Kalikasan” noong ika-5 ng Agosto sa Paaralan ng Westside.

‎​Mainit na binuksan ni Punongguro II Nurrahma Abubakar ang palatuntunan sa kanyang pagtanggap sa mga panauhin at sa 100 napiling mag-aaral na nagpapatuloy sa pag-aaral bumasa mula unang taon hanggang Ika-anim na taon (Grade 1 at Grade 6). Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng sasakyang-aklatan sa pagbuo ng pangarap ng bawat bata:

‎​”Ang Sasakyang-Aklatan (Mobile Library Vehicle) ay hindi lamang sasakyan para sa pag-aaral; ito ay isang ‘vessel’ o sisidlang nagdadala ng mga pangarap, kinabukasan, at pangako na bawat bata rito—saanman sila makarating—ay matututong magbasa.”

‎​Nagpaabot din ng buong suporta ang iba’t ibang kinatawan ng edukasyon at pamahalaan sa pamamagitan ng mga ‘Mensahe ng Pagtaguyod’:

‎​Pangasiwaan ng Kurikulum at Pagtuturo (CID) Henry Tura (Inirerepresenta ni Tagapag-ugnay sa Pagbasa / PSDS Fadher Ismael), ay ibinahagi ang matagumpay na paglalakbay ng programa noong nakaraang taon sa Paaralan ng Kaumpurnah at ipinaalala ang tunay na layunin ng inisyatibo.

‎​”Ang tunay na serbisyo ng Sakayan Kaalaman ay hindi lamang sa pagbabasa nasusukat, kundi sa dami ng nabagong buhay at naging inspirasyon sa mga bata.”

‎​Muli ring isinapuso ang sikat na linya ni Frederick Douglass na “Kapag natutunan mong magbasa, magiging malaya ka magpakailanman,” habang idinagdag na,​”Ang Sakayan Kaalaman ay hindi lamang sakayan ng kaalaman—ito ay sakayan ng pangarap at pag-asa. Habang may batang nangangailangan ng tulong, sama-sama nating tulungan dahil bawat batang patuloy na nangangarap ay may pag-asa.”

‎​Ibinahagi naman ni Ustadz Alzad Sattar, Miyembro ng ‘Ulama Council’, ang kahalagahan ng literasya at pagbasa sa espiritwal at pang-araw-araw na pamumuhay. Ipinaalala niya sa mga bata na ang lahat ng pag-unawa at kaalaman ay nagsisimula sa kakayahang bumasa at umunawa.

‎​Pansamantalang Tagapamahala ng Sangay ng mga Paaralan (OIC-SDS) Maria Laarni Villanueva (Inirerepresenta ni Pinuno ng Tagapamahala sa Pamamahala ng Paaralan / SGOD Chief Eduardo Gulang), ay ipinagmalaki ang patuloy na tagumpay ng mga programang pangedukasyon ng Lungsod ng Isabela—tulad ng ipinamalas sa HAPIsabela ZPRAA—na nagsisilbing magandang halimbawa at inspirasyon sa ibang mga rehiyon sa pag-alalay sa mga mag-aaral na nagnanais pang mapahusay ang kanilang pagbasa.

‎​Tampok din sa palatuntunan ang opisyal na pagpapakilala sa mga Voluntaryong Tagapagsanay ng Programang ‘Youth Space Mentoring (YSMP)’ sa pamumuno ni Pinuno ng Tanggapan sa Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) Levinia Jarejolne kasama si Principal Abubakar, na simbolikong tinanggap ni Punong Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman.

‎​Sa kanyang Mensahe ng Inspirasyon, ibinahagi ni Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ang paglalakbay ng programa mula sa Busay, Cabunbata, Kaumpurnah, hanggang sa marating ang Paaralan ng Westside. Paalala niya sa mga mag-aaral:

‎​” ‘Wag ma-discourage dahil iba-iba ang kakayahan sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.”

‎​Paliwanag ng Punong Alkalde, sa loob ng 20 sesyon ng pagbasa ng Sakayan Kaalaman, iba’t ibang kaalaman at ‘interactive activities’ ang inihanda ng mga katuwang na sektor para sa mga bata. Pinasalamatan din niya ang DepEd, mga voluntaryo ng YSMP, mga kawani ng Pamahalaang Lungsod, at ang buong Paaralan ng Westside sa kanilang walang sawang pagsuporta.

‎​Kasunod nito ang masayang pagpapakilala at pamamahagi ng librong “Si Isa at Bela” na pinangunahan ni Mayor Sitti, kasama si Principal Abubakar at Pinuno ng Impormasyon ng Lungsod / Tagapag-ugnay ng Gender and Development (GAD) Mendry-Ann Lim. Mas lalo pang nagningning ang mga mata ng mga bata sa paglabas ng opisyal na mga ‘mascot’ nina ‘Isa at Bela’ at sa pamimigay ng mga ‘bags’ ng Sakayan Kaalaman.

‎​Sa Pangwakas na Pananalita, nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat si Pinuno ng Impormasyon ng Lungsod at GAD Focal Mendry-Ann Lim sa lahat ng naging kabahagi, at ipinaalala sa mga mag-aaral na tututukan sila ng Sakayan Kaalaman sa kabuoan ng 20 sesyon ng pagbasa.

‎​Mananatiling nakatuon at nakatutok ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, katuwang ang Sangay ng mga Paaralan ng Lungsod ng Isabela, sa paghahatid ng mga programang mag-aangat sa antas ng pagbasa ng mga kabataan, dahil sa bawat salitang kanilang natututuhang basahin, mas nagiging maliwanag ang kinabukasan ng lungsod.

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

‘YOUTH VOLUNTEERS’ DAY OF SERVICE’, NAGHATID NG SAYA’T SERBISYO SA 197 MAG-AARAL NG WESTSIDE ELEMENTARY SCHOOL

Naghatid ng iba’t ibang serbisyo, learning sessions, at volunteer activities ang HAPIsABELA Youth Volunteers: A Day of Service 2026 sa 197 mag-aaral ng Westside Elementary School noong Agosto 20, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng youth volunteerism at community service sa Lungsod ng Isabela. Isinagawa ang aktibidad ng Pamahalaang

Read More »

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »