MGA BATANG KAMPEON SA SWIMMING, PINAGMAMALAKI NG LUNGSOD

Malugod na tinanggap ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang mga batang manlalangoy na sina Jessel Vianney Sta. Teresa at Muslimin Andami na bumisita sa kanyang tanggapan noong ika-5 ng Agosto matapos ang kanilang matagumpay na paglahok sa PAI Region IX Short Course Swimming Competition na ginanap noong Hulyo 11–12 sa Lungsod ng Dapitan.

Ibinahagi ng mga atleta ang kanilang karanasan sa kompetisyon at ipinakita ang mga medalya at pagkilalang kanilang natanggap. Ipinahayag naman ni Mayor Turabin-Hataman ang kanyang pagbati at paghanga sa kanilang dedikasyon, disiplina, at husay na nagbigay ng karangalan sa kanilang mga paaralan at komunidad.

Kinilala si Sta. Teresa, Grade 11 ACAD Rivero student ng Basilan National High School (BNHS), bilang Most Outstanding Swimmer (15–16 age category). Nagwagi siya ng gintong medalya sa 50-meter backstroke at 100-meter breaststroke, pilak sa 200-meter breaststroke at 100-meter freestyle, at tansong medalya sa 200-meter individual medley.

Samantala, si Andami ng Tampalan Elementary School ay kinilala bilang Most Outstanding Swimmer (11–12 age category) matapos makamit ang gintong medalya sa 100-meter freestyle at 50-meter breaststroke, pilak sa 100-meter relay individual medley, at tansong medalya sa 200-meter breaststroke at 800-meter freestyle.

Pinuri ni Punong Lungsod Turabin-Hataman ang dalawang atleta at hinikayat silang ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap sa larangan ng swimming. Binigyang-diin din niya ang patuloy na suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga kabataang atleta na nagsisilbing inspirasyon sa komunidad.

Muling sasabak sina Sta. Teresa at Andami sa PAI Region X Short Course Swimming Competition Leg 2 na gaganapin sa Agosto 8–9 sa Lungsod ng Iligan, kung saan muli nilang kakatawanin ang Basilan at Lungsod ng Isabela.

Kasama rin sa pagbisita ang mga coach at mentors na sina Abdulhan Salapuddin at Arwa Ngiya para kay Sta. Teresa, at Merson Ambali para kay Andami, kasama si BNHS OIC Principal at Division Sports Officer Dr. Arnel Hajan. Naroroon din si CIO Mendry-Ann Lim na nagpakita ng suporta sa mga batang atleta. (Kuha ni M. Santos, CIO)

β€Ž#HAPIsabela

β€Ž#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

β€Ž#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More Β»

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang β€œClosing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More Β»

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More Β»

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More Β»