LGU-CSO REPRESENTATIVES SA LUNGSOD NG ISABELA, NAGTIPON PARA SA ‘DAGYAW 2026 OGP TOWN HALL MEETING’

Muling itinanghal ng Lungsod ng Isabela ang tunay na kahulugan ng bayanihan sa pamamagitan ng Dagyaw 2026 Open Government Partnership Town Hall Meeting, na ginanap noong ika-17 ng Agosto. Ang salitang “Dagyaw,” na hango sa wikang Hiligaynon ay katumbas ng ating “Bayanihan” — diwang buong-buo ring ipinamalas ng mga kinatawan ng Lipunang Sibil (CSOs) at iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal na nagtipon-tipon para sa mas bukas at mapagkalingang pamamahala.

‎Ang aktibidad ay pinangunahan ng DILG IX-OGP SLGP, DILG Isabela City, at ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Isabela Civil Society Desk Office.

‎Sa kanyang opening remarks, binigyang-diin ni Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma na mahalaga ang participatory governance sa pagtitiyak ng pagiging bukas at pananagutan sa antas ng lokal na pamahalaan. Idinagdag niya na dapat malaman ng mamamayan kung paano gumagana ang gobyerno, at hindi dapat umasa nang tuluyan dito — kundi makibahagi rin sa pagbuo ng positibong kinabukasan ng lungsod.

‎Sumunod ang overview ng OGP-PH localization mula kay Febbie Marquez ng DILG Region IX, na nagbigay-linaw sa papel ng platform sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mamamayan mula pambansa hanggang lokal na konteksto.

‎Sa kanyang presentasyon, tinalakay at ibinahagi ni CIO at GAD Focal Mendry Ann Lim ang apat na flagship programs ng lungsod — GoGo (Good Governance) Isabela, BION (Barangay Information Officers Network), Isa TV, at People’s Budget Consultation — bilang mga inisyatibong ipinatutupad ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO) sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman.

‎Sa pinakahihintay na mensahe, binahagi ni Alkalde Turabin-Hataman ang kwento ng Isabela City Model of Participation, Inclusion, and Ownership. Sinabi niya na “ang tanging paraan para maisulong natin ang Isabela ay kung lahat tayo ay mangarap para sa Isabela.” Idiniin niya na ang 9-Point Priority Agenda ang naging gabay sa lahat ng ginagawa ng lungsod, at hindi lamang ang Mayor o mga Councilors ang gumagawa ng desisyon — kasama rito ang iba’t ibang sektor at organisasyon, kabilang ang mga CSOs, upang matiyak na may representative ang bawat sektor sa tuwing may mahalagang desisyong dapat gawin.

‎Ipinaliwanag din niya ang layunin ng Open House initiative na nagbubukas ng mga opisina ng City Hall para sa publiko at sinabing, “Binubuksan namin ang local government sa mga tao, para makita nila ano ba ang mga ginagawa namin, ano bang mga serbisyo ang pwede nilang hingin”, gayundin ang GoGo program kung saan dapat malaman ng bawat mamamayan kung paano ginagastos ang pondo ng bayan — kung saan, aniya, 60 percent ng mga panukala mula sa People’s Budget Forum noong nakaraang taon ay naipatupad na.

‎Binahagi rin ni Miriam Suacito, Executive Director ng Nagdilaab Foundation Incorporated, ang kanyang karanasan bilang volunteer speaker ng GoGo Isabela Training Caravan, kung saan idiniin ang kahalagahan ng transparency, accountability, at participation sa bawat komunidad na naaabot ng programa.

‎Nagtapos ang programa sa isang open group discussion sa pagitan ng mga speaker at kinatawan ng iba’t ibang sektor, kasama sina Shariff Tahajid ng SSG-Basilan National High School, Erlinda Talaver ng Tabiawan Ayudahan Farmers’ Association, at Julie Ann Lim ng Isabela City Chamber of Commerce, bago pormal na iginawad ang Certificate of Appreciation sa mga speaker.

‎Isang malinaw na patunay ang Dagyaw 2026 na patuloy na pinatatatag ng Lungsod ng Isabela ang tulay sa pagitan ng gobyerno at mamamayan — sama-samang naglalakbay tungo sa isang Isabela lungsod na tunay na may dignidad at pag-asa. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni KJ Evardo, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »

MAYOR DADAH, PINANGUNAHAN ANG PAGDINIG SA BADYET PARA SA 2027

Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isinagawang Budget Hearing bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at paghahanda ng badyet ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-17 ng Agosto sa CHO Conference Room. Tinalakay sa hearing ang mga presentasyon mula sa Finance Committee kabilang ang City Budget Office, City Accounting

Read More »