Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng pagtugon sa mga emerhensiya at serbisyong pangkaligtasan sa Lungsod ng Isabela ang isinagawa sa pamamagitan ng pormal na pagpapasinaya ng Menzi Fire Sub-Station noong Agosto 10 sa Barangay Menzi. Pinondohan sa ilalim ng POPS Plan sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang si Governor Mujiv Hataman, layunin nitong palakasin ang mabilis at episyenteng pagtugon sa mga insidente ng sunog at iba pang emerhensiya sa Menzi at mga kalapit na komunidad.
Kinatawan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman si Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, na nakibahagi sa mga opisyal ng BFP at mga lokal na lider sa naturang seremonya at nagpahayag ng suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga hakbang na nagpapalakas sa fire protection, kahandaan sa emerhensiya, at kaligtasan ng publiko. Dumalo rin si Bokal Ahmed Ibn Djaliv Hataman upang ipakita ang suporta sa naturang inisyatiba.




Kabilang sa programa ang pagbabasbas at pagpapasinaya ng pasilidad, paglilipat ng simbolikong susi ng responsabilida, at pormal na activation ng Menzi Fire Sub-Station, kasama ang pagpapakilala sa mga personnel na itinalaga rito. Isinigawa rin ang paglagda sa Memorandum of Agreement at pagbasa ng kautusang panrehiyonal.
Nagbigay rin ng mensahe sina Acting Regional Director ng BFP IX FSSUPT Kadil Acalul, Provincial Fire Marshal ng Zamboanga Sibugay FSUPT Reggy Olmedo, at Acting City Fire Marshal FSINSP Vincent Toribio, na kabilang sa mga dumalo sa seremonya kasama ang iba pang tauhan ng BFP. Dimalo rin sa seremonya sina Konsehal Asan Al-Ameen Camlian, Alexes Ututalum, at Jashim Tiplani. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat #SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan






