LUNGSOD NG ISABELA BILANG ‘HUMAN RIGHTS CITY,’ ISINUSULONG

Nakipagpulong ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) IX kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 20, upang talakayin ang mga susunod na hakbang tungo sa layunin na maging Human Rights City ang Lungsod ng Isabela.

Isinagawa ang consultation meeting noong Hunyo 23, na nakatuon sa mga posibleng larangan ng pakikipagtulungan, mekanismo ng pagpapatupad, at mga estratehikong hakbang para maisulong ang Human Rights City initiative ng lungsod.

Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagtatatag ng Human Rights City at Human Rights Action Center, pagbuo ng roadmap para sa LGU tungo sa pagiging Human Rights City, at pagtukoy ng Human Rights Committee o local focal person na mangunguna sa mga kaugnay na programa at gawain.

Isinagawa ang konsultasyon kasunod ng pagtibay at paglagda sa City Resolution No. 26-7316, na nagpapahayag ng pananagutan ng lungsod na itaguyod ang dignidad, kalayaan, pagkakapantay-pantay, at inklusibong pakikilahok ng mga mamamayan.

Kabilang sa mga dumalo sa pulong sina Atty. Gladys Jacalan-Morados, Legal Division Chief Atty. Bensaud Degusman, Rasul Taup, at SP Secretary Atty. Justin Jude Briones.

Sa pamamagitan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa CHR, layunin ng Pamahalaang Lungsod na mapalakas ang mga mekanismo at programa para sa pangangalaga at pagtataguyod ng karapatang pantao bilang mahalagang bahagi ng people-centered at human rights-based local governance. (Sulat ni S. Sualing/Kuha ni M. Santos, CIO)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

BION PATROL | LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE (LGSF-FA)

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlungsod ng Isabela ng sampung (10) kilong bigas sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa ilalim ng ₱23 milyong Local Government Support Fund–Financial Assistance (LGSF-FA) para sa Assistance to Indigent Individuals or Families – Rice Distribution Project ng Bagong Pilipinas Rice Program ni Pangulong Ferdinand

Read More »

BION PATROL | ADOLESCENT HEALTH ADVOCACY ACTIVITY

Isinagawa sa Barangay Carbon ang isang ‘Adolescent Health Advocacy Activity’ na may temang “Healthy Young Ones,” ika-18 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na gabayan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan. ‎ ‎​Ang nasabing programa ay matagumpay na naipatupad sa

Read More »

BION PATROL | DENGUE AWARENESS ADVOCACY SA BARANGAY LUMBANG

Upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad laban sa bantang dulot ng dengue, matagumpay na isinagawa ang Dengue Awareness Advocacy sa Barangay Lumbang Covered Court noong ika-13 ng Agost, sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Norha Jajimin. ‎ ‎​Naging kabahagi sa mahalagang gawaing ito si Punong Barangay Hayma Omar, kasama

Read More »

M4GG CONVENORS, INILUNSAD ANG ‘3 YEARS OF GOOD GOVERNANCE LEADERSHIP SUMMIT’

Tatlong taon ng pagsusulong ng good governance, accountable leadership, at makabuluhang pagbabago. Nagsama-sama ang mga Mayors for Good Governance (M4GG) convenors at ibang local government leaders na nagsusulong ng good governance sa inilunsad nitong “3 Years of Good Governance Leadership Summit” noong Agosto 22, upang magbahagi ng karanasan, matuto mula

Read More »