BION PATROL | ADOLESCENT HEALTH ADVOCACY ACTIVITY

Isinagawa sa Barangay Carbon ang isang ‘Adolescent Health Advocacy Activity’ na may temang “Healthy Young Ones,” ika-18 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na gabayan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan.

‎​Ang nasabing programa ay matagumpay na naipatupad sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO) ng Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ng mga nakilahok na propesyunal sa kalusugan na sina Imelda Tan Cañete, RN, Maridol S. Dela Cruz, RN, MN, at Shernalyn Danial, RN, katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) at ang buong health team ng barangay.

‎​Taos-puso naman ang pasasalamat ng buong koponan kay Punong Barangay Jaitun Magalona Danial sa kanyang buong suporta, kabilang ang pagpapakain at pagbibigay ng meryenda para sa lahat ng mga kabataang dumalo at mga kawani ng programa.

‎​Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng lungsod at ng barangay ang paggabay sa mga kabataan tungo sa isang malusog, ligtas, at responsableng pamumuhay.

‎(Ulat at mga larawan mula kay BIO Patroller Nur-Iwa Salamaddin ng Barangay Carbon)

‎​#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

BION PATROL | LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE (LGSF-FA)

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlungsod ng Isabela ng sampung (10) kilong bigas sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa ilalim ng ₱23 milyong Local Government Support Fund–Financial Assistance (LGSF-FA) para sa Assistance to Indigent Individuals or Families – Rice Distribution Project ng Bagong Pilipinas Rice Program ni Pangulong Ferdinand

Read More »

BION PATROL | DENGUE AWARENESS ADVOCACY SA BARANGAY LUMBANG

Upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad laban sa bantang dulot ng dengue, matagumpay na isinagawa ang Dengue Awareness Advocacy sa Barangay Lumbang Covered Court noong ika-13 ng Agost, sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Norha Jajimin. ‎ ‎​Naging kabahagi sa mahalagang gawaing ito si Punong Barangay Hayma Omar, kasama

Read More »

LUNGSOD NG ISABELA BILANG ‘HUMAN RIGHTS CITY,’ ISINUSULONG

Nakipagpulong ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) IX kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 20, upang talakayin ang mga susunod na hakbang tungo sa layunin na maging Human Rights City ang Lungsod ng Isabela. Isinagawa ang consultation meeting noong Hunyo 23, na nakatuon sa mga posibleng larangan ng pakikipagtulungan,

Read More »

M4GG CONVENORS, INILUNSAD ANG ‘3 YEARS OF GOOD GOVERNANCE LEADERSHIP SUMMIT’

Tatlong taon ng pagsusulong ng good governance, accountable leadership, at makabuluhang pagbabago. Nagsama-sama ang mga Mayors for Good Governance (M4GG) convenors at ibang local government leaders na nagsusulong ng good governance sa inilunsad nitong “3 Years of Good Governance Leadership Summit” noong Agosto 22, upang magbahagi ng karanasan, matuto mula

Read More »