Isinagawa ng City Population Management and Development Office (CPMDO) ang isang ‘Responsible Parenthood and Family Planning Orientation’ sa Barangay Begang noong ika-18 ng Agosto, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month.
Layunin ng aktibidad na ito na makapagbigay sa mga magulang at pamilya ng mahahalagang kaalaman ukol sa responsableng pagpapamilya, pagpapaplano ng pamilya, at sa kahalagahan ng paggawa ng mga tamang desisyon para sa isang malusog at maayos na pamumuhay.




Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa CPMDO sa pangunguna ni Jesielyn Puno, CPMDO/CNAO, para sa paghahatid ng makabuluhang oryentasyong ito sa komunidad, sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO).
Ipinapaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng Population Office—sina Sir Jayson Salvador, Ma’am Marygel Vertuso, Sir Charlemagne Camacho, at Sir Janrein Sulayman—sa kanilang panahon, sipag, at dedikasyon.
Gayundin, pinasasalamatan ang mga Barangay Health Workers (BHWs), ang 47 mga residenteng naging aktibong benepisyaryo at dumalo sa oryentasyon, at ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Melanio S. Ignacio Jr. para sa kanilang patuloy na suporta.
Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, mas pinapatatag ang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman at gabay tungo sa responsableng pagpapasya at mas magandang kinabukasan.
(Ulat at mga larawan mula kay BIO Patroller Catherine Angeline Siose ng Barangay Begang)






