Matagumpay na nagtapos nitong ika-20 ng Agosto ang mga kalahok mula sa ‘Adult Literacy Program’ ng SOLIDARIDAD-IDP kung saan, 28 sa 30 mag-aaral mula sa Barangay Marang-Marang ang nakapasa at matagumpay na nakumpleto ang programa.
Layunin ng programang ito na magbigay ng pangalawang pagkakataon sa edukasyon para sa ating mga kababayan at IDPs. Layon nitong itaguyod ang functional literacy—ang kakayahang bumasa, sumulat, at magkuwenta—upang magsilbing sandata sa paghahanapbuhay at pag-abot ng mas maaliwalas na kinabukasan.




Isang mahalagang tagumpay ito para sa 28 na mga mag-aaral na nagsikap na mapaunlad ang kanilang sarili at mapalawak ang kanilang kaalaman.
(Ulat at larawan mula kay BIO Patroller Mujib Abbas ng Barangay Marang-Marang)






