Upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad laban sa bantang dulot ng dengue, matagumpay na isinagawa ang Dengue Awareness Advocacy sa Barangay Lumbang Covered Court noong ika-13 ng Agost, sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Norha Jajimin.
Naging kabahagi sa mahalagang gawaing ito si Punong Barangay Hayma Omar, kasama ang mga Barangay Kagawad, sa buong suporta ng mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS).
Sa serye ng talakayan, binigyang-diin ang kahalagahan ng regular na clean-up drive at pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang mapuksa ang mga pinagmumulan at pinamumugaran ng mga lamok. Kasabay nito, hinimok ang mga residente na maging responsable sa pag-aalis ng mga nakatenggang tubig sa paligid ng kanilang mga tahanan.
Itinampok din sa nasabing aktibidad ang 5S Strategy Against Dengue na dapat tandaan ng bawat pamilya:




SEARCH AND DESTROY: Hanapin at sirain ang mga lugar na maaaring pamugaran ng lamok.
SELF-PROTECTION: Protektahan ang sarili laban sa kagat ng lamok tulad ng pagsuot ng mahabang damit at paglalagay ng insect repellent.
SEEK EARLY CONSULTATION: Agad na magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kapag nakaramdam ng mga sintomas ng dengue.
SUPPORT FOGGING/SPRAYING: Suportahan ang pagfo-fogging o spraying sa mga lugar kung saan may pagtaas ng kaso o inirerekomenda ng health authorities.
SUSTAIN HYDRATION: Panatilihing sapat ang tubig at electrolytes sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng sapat na likido.
Sa pamamagitan ng tamang kaalaman, tuloy-tuloy na paglilinis, at kooperasyon ng buong pamayanan, naniniwala ang pamunuan ng barangay na mapapanatiling malinis, ligtas, at malayo sa sakit ang buong Barangay Lumbang.
(Ulat at mga larawan mula kay BIO Patroller Sarah Sayaddi ng Barangay Lumbang)






