Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Ikalawang Batch ng ‘UPLIFT Program’ ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) noong ika-5 ng Agosto, sa tulong-suporta ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO).
Umabot sa 1,719 na benepisyaryo mula sa 22 barangay ang tumanggap ng kani-kanilang uplift payout — kabilang ang Aguada, Balatanay, Baluno, Begang, Binuangan, Busay, Cabunbata, Calvario, Carbon, Diki, Doña Ramona, Isabela Eastside, Isabela Proper, Kapatagan Grande, Kapayawan, Kaumpurnah Zone I, II, at III, Kumalarang, La Piedad, Lampinigan, at Lanote.
Layunin ng ‘UPLIFT Program’ na bigyan ng dagdag na suporta ang mga miyembro ng komunidad, bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng pambansang pamahalaan sa mga programang pangkaunlaran at pantulong-panlipunan.




Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang mabilis at maayos na pagsasagawa ng aktibidad, bunga ng malapit na koordinasyon sa pagitan ng DSWD Isabela City, CSWDO, gayundin ang tulong ng mga barangay officials.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pagsuporta sa mga programa ng pambansang pamahalaan tungo sa pag-abot ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni K. Galano, IsaTV)






