BION, NATANGAP ANG ‘2ND QUARTER COMM. ALLOWANCE’

Nitong ika-4 ng Agosto, inilabas ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng City Information Office (CIO), ang ‘2nd Quarter Communication Allowance’ ng mga Barangay Information Officers Network (BION), na ginanap sa ikalawang palapag ng Pasangen Commercial Complex (PCC).

‎Personal na ibinahagi ni Punong Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman ang ‘communication allowance’, kasama si City Information Officer at GAD Focal Mendry-Ann Lim.

‎Ang BION Communication Allowance, na may kasamang karagdagang insentibo na umaabot sa ₱4,500, ay tumutulong upang masuportahan ang mga gastusin sa napapanahong pag-uulat at pag-post ng mga BIO sa kani-kanilang barangay. Mula sa mahahalagang anunsyo ng LGU, mga programang pangkalusugan at kaligtasan, hanggang sa mga aktibidad at kaganapan ng bawat komunidad.

‎Bukod dito, dinalaw din ni Punong Alkalde Turabin-Hataman ang BION at GoGo Isabela Hub. Ang BION Hub ay dinisenyo upang mapalapit ang serbisyo publiko sa mga taong may katanungan hinggil sa mga programa at proyekto ng lungsod, dito rin makakakuha ng libreng ‘IEC materials’ mula sa iba’t ibang opisina ng LGU ang sinumang bibisita, tulad ng ‘brochures’ na may kapaki-pakinabang na impormasyon para sa pang-araw-araw na buhay.

‎Samantala, ang GoGo Isabela Hub naman ang siyang pinagha-handaan ng GoGo Team bago ang bawat ‘GoGo Session roll-out’, na malapit sa sentro ng bayan, upang mas madaling maabot ng mga Isabeleño ang mga serbisyong dala ng programa.

‎Patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang bawat BIO kung saan, hindi lamang sila basta tagapagbalita, kundi kasosyo sa pagtiyak na ang bawat residente sa kanilang komunidad ay hindi mapag-iiwanan sa pampublikong impormasyon. Ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na sinusuportahan ng LGU ang kanilang gawain, bilang pagkilala sa dedikasyon nilang maghatid ng serbisyo, kahit sa pinakamalalayong sulok ng lungsod.

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#GoodGovernanceWorks

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CHO CELEBRATES SIGHT SAVING MONTH 2026

The City Health Office of Isabela de Basilan joined the celebration of Sight Saving Month 2026 through a community-based eye health activity held today at the Barangay Sta. Barbara Multi-Purpose Hall. A total of 88 individuals were assessed for visual acuity using the Snellen Chart, comprising 39 adults and 49

Read More »

MENZI FIRE SUB-STATION, PORMAL NANG PINASINAYAAN

Isang mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng pagtugon sa mga emerhensiya at serbisyong pangkaligtasan sa Lungsod ng Isabela ang isinagawa sa pamamagitan ng pormal na pagpapasinaya ng Menzi Fire Sub-Station noong Agosto 10 sa Barangay Menzi. Pinondohan sa ilalim ng POPS Plan sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, katuwang

Read More »

HAPISABELA MOBILE LIBRARY, NAKIISA SA IKAAPAT NA ‘LARGA ISABELA’

Sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO) na pinamumunuan ni Mendry-Ann Lim, nagtungo ang Mobile Library Team sa Barangay Panigayan upang makiisa at magbigay ng suporta sa ikaapat na LARGA ISABELA, isang makabuluhang gawaing pangkomunidad na pinangunahan ni

Read More »