BION PATROL | ‘RESPONSIBLE PARENHOOD AND FAMILY PLANNING ORIENTATION SA BARANGAY BEGANG’

Isinagawa ng City Population Management and Development Office (CPMDO) ang isang ‘Responsible Parenthood and Family Planning Orientation’ sa Barangay Begang noong ika-18 ng Agosto, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Family Planning Month.

‎​Layunin ng aktibidad na ito na makapagbigay sa mga magulang at pamilya ng mahahalagang kaalaman ukol sa responsableng pagpapamilya, pagpapaplano ng pamilya, at sa kahalagahan ng paggawa ng mga tamang desisyon para sa isang malusog at maayos na pamumuhay.

‎​Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot sa CPMDO sa pangunguna ni Jesielyn Puno, CPMDO/CNAO, para sa paghahatid ng makabuluhang oryentasyong ito sa komunidad, sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO).

‎​Ipinapaabot din ang taos-pusong pasasalamat sa mga kawani ng Population Office—sina Sir Jayson Salvador, Ma’am Marygel Vertuso, Sir Charlemagne Camacho, at Sir Janrein Sulayman—sa kanilang panahon, sipag, at dedikasyon.

‎​Gayundin, pinasasalamatan ang mga Barangay Health Workers (BHWs), ang 47 mga residenteng naging aktibong benepisyaryo at dumalo sa oryentasyon, at ang mga opisyal ng barangay sa pamumuno ni Punong Barangay Hon. Melanio S. Ignacio Jr. para sa kanilang patuloy na suporta.

‎​Sa pamamagitan ng mga ganitong gawain, mas pinapatatag ang mga pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman at gabay tungo sa responsableng pagpapasya at mas magandang kinabukasan.

‎(Ulat at mga larawan mula kay BIO Patroller Catherine Angeline Siose ng Barangay Begang)

‎​#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

BION PATROL | LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE (LGSF-FA)

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlungsod ng Isabela ng sampung (10) kilong bigas sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa ilalim ng ₱23 milyong Local Government Support Fund–Financial Assistance (LGSF-FA) para sa Assistance to Indigent Individuals or Families – Rice Distribution Project ng Bagong Pilipinas Rice Program ni Pangulong Ferdinand

Read More »

BION PATROL | ADOLESCENT HEALTH ADVOCACY ACTIVITY

Isinagawa sa Barangay Carbon ang isang ‘Adolescent Health Advocacy Activity’ na may temang “Healthy Young Ones,” ika-18 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na gabayan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan. ‎ ‎​Ang nasabing programa ay matagumpay na naipatupad sa

Read More »

BION PATROL | DENGUE AWARENESS ADVOCACY SA BARANGAY LUMBANG

Upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad laban sa bantang dulot ng dengue, matagumpay na isinagawa ang Dengue Awareness Advocacy sa Barangay Lumbang Covered Court noong ika-13 ng Agost, sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Norha Jajimin. ‎ ‎​Naging kabahagi sa mahalagang gawaing ito si Punong Barangay Hayma Omar, kasama

Read More »

LUNGSOD NG ISABELA BILANG ‘HUMAN RIGHTS CITY,’ ISINUSULONG

Nakipagpulong ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) IX kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 20, upang talakayin ang mga susunod na hakbang tungo sa layunin na maging Human Rights City ang Lungsod ng Isabela. Isinagawa ang consultation meeting noong Hunyo 23, na nakatuon sa mga posibleng larangan ng pakikipagtulungan,

Read More »

M4GG CONVENORS, INILUNSAD ANG ‘3 YEARS OF GOOD GOVERNANCE LEADERSHIP SUMMIT’

Tatlong taon ng pagsusulong ng good governance, accountable leadership, at makabuluhang pagbabago. Nagsama-sama ang mga Mayors for Good Governance (M4GG) convenors at ibang local government leaders na nagsusulong ng good governance sa inilunsad nitong “3 Years of Good Governance Leadership Summit” noong Agosto 22, upang magbahagi ng karanasan, matuto mula

Read More »