Isinagawa sa Barangay Carbon ang isang ‘Adolescent Health Advocacy Activity’ na may temang “Healthy Young Ones,” ika-18 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na gabayan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan.
Ang nasabing programa ay matagumpay na naipatupad sa pakikipagtulungan ng City Health Office (CHO) ng Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ng mga nakilahok na propesyunal sa kalusugan na sina Imelda Tan Cañete, RN, Maridol S. Dela Cruz, RN, MN, at Shernalyn Danial, RN, katuwang ang mga Barangay Health Workers (BHW) at ang buong health team ng barangay.




Taos-puso naman ang pasasalamat ng buong koponan kay Punong Barangay Jaitun Magalona Danial sa kanyang buong suporta, kabilang ang pagpapakain at pagbibigay ng meryenda para sa lahat ng mga kabataang dumalo at mga kawani ng programa.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na isinusulong ng lungsod at ng barangay ang paggabay sa mga kabataan tungo sa isang malusog, ligtas, at responsableng pamumuhay.
(Ulat at mga larawan mula kay BIO Patroller Nur-Iwa Salamaddin ng Barangay Carbon)






