Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang isinagawang Budget Hearing bilang bahagi ng proseso ng pagsusuri at paghahanda ng badyet ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, ika-17 ng Agosto sa CHO Conference Room.
Tinalakay sa hearing ang mga presentasyon mula sa Finance Committee kabilang ang City Budget Office, City Accounting Office, City Treasury Office at mga kaugnay na tanggapan tulad ng City Planning and Development Office, City General Services Office (CGSO), at City Assessor’s Office. Naroroon din si CHRMO Rosella Luna.




Kabilang sa mga tinalakay ang mga update at iba pang usaping may kaugnayan sa mga kinakailangang alokasyon at gastusin ng Pamahalaang Lungsod, bilang bahagi ng pagsusuri sa panukalang badyet.
Layunin ng Budget Hearing na matiyak ang maayos na pagsusuri at paglalaan ng pondo para sa mga programa, proyekto, at serbisyo ng Pamahalaang Lungsod, alinsunod sa mga prayoridad at pangangailangan ng mga Isabeleños.
#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat
#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan
See less






