HAPISABELA MOBILE LIBRARY, NAKIISA SA IKAAPAT NA ‘LARGA ISABELA’

Sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon (CIO) na pinamumunuan ni Mendry-Ann Lim, nagtungo ang Mobile Library Team sa Barangay Panigayan upang makiisa at magbigay ng suporta sa ikaapat na LARGA ISABELA, isang makabuluhang gawaing pangkomunidad na pinangunahan ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon.

Bilang bahagi ng programa, naghatid ang Mobile Library ng isang makabuluhang sesyon ng pagbabasa para sa mga bata na nakatuon sa kahalagahan ng wastong pagtatapon, paghihiwalay, at pangangalaga sa basura. Sa pangunguna ni Mobile Library Focal Jham-Jham Kalbi, natuto ang mga bata tungkol sa tamang pamamahala ng basura sa pamamagitan ng kuwento, talakayan, at masasayang gawaing pampagkatuto.

Mas naging makulay at masaya ang programa sa pagdating nina ISA at BELA, na naghatid ng saya, sigla, at dagdag na inspirasyon sa mga batang kalahok. Sa kanilang presensya, naging mas masaya at makabuluhan ang pagsasama ng pagbabasa, pagkatuto, pangangalaga sa kalikasan, at pagkakaisa ng komunidad.

Ang pakikiisa ng Mobile Library sa LARGA ISABELA ay patunay ng patuloy na pagsusulong ng Pamahalaang Lungsod ng mga programang nagdadala ng edukasyon, pagbabasa, at makabuluhang karanasan sa pagkatuto sa iba’t ibang komunidad. (Sulat at Kuha ni J. Kalbi, CIO)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »