DSWD NAG-ABOT NG CASH FOR WORK/TRAINING PAYOUT SA 100 MAGSASAKA SA LUNGSOD NG ISABELA

Umabot sa 100 magsasaka mula sa Grupo sa mga Mag-Uuma sa PAHP Baluno Association at Masula Magtinanem Association ang tumanggap ng Cash for Training at Cash for Work Payout sa ilalim ng Project LAWA at BINHI ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) IX, bahagi ng Risk Resiliency Program–Climate Change Adaptation and Mitigation, Agosto 5-6, sa CDRRMO Operations Center. Layunin ng programa na palakasin ang kahandaan ng mga komunidad laban sa epekto ng climate change habang isinusulong ang seguridad sa pagkain at napapanatiling kabuhayan.

Bago ang payout, sumailalim ang mga benepisyaryo sa orientation hinggil sa sustainability activities ng Project LAWA at BINHI at sa workshop para sa project assessment kasama ang partner-beneficiaries. Pinangunahan ito ng mga kinatawan ng DSWD bilang bahagi ng pagsasanay upang matiyak ang patuloy na pagpapatupad ng mga programang pangkabuhayan at mga hakbang sa pag-angkop sa pagbabago ng klima.

Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng P8,280, katumbas ng 20 araw na Cash for Work/Training sa halagang P414 kada araw. Sa kabuuan, P828,000.00 ang naipamahagi ng DSWD IX sa 100 benepisyaryo.

Naging katuwang ng DSWD IX sa implementasyon ng programa ang Tanggapan ng ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO), Tanggapan sa Pagbawas at Pamamahala ng Panganib sa Sakuna (CDRRMO), at Tanggapan ng Agrikultura (CAgO), na patuloy na nagsusulong ng mga programang nagpapalakas sa kakayahan ng mga magsasaka at komunidad upang maging mas matatag sa harap ng mga hamon dulot ng climate change.

Sa pamamagitan ng Project LAWA at BINHI, patuloy na pinagtitibay ang ugnayan ng pambansa at lokal na pamahalaan sa paghahatid ng mga programang hindi lamang nagbibigay ng agarang tulong-pinansyal, kundi nagtataguyod din ng mas matatag, ligtas, at napapanatiling kabuhayan para sa mga magsasaka sa Lungsod ng Isabela. (Sulat ni KC Lim/Kuha ni C. Digon, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »