IKALAWANG BATCH NG UPLIFT PAYOUT, ISINAGAWA

Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng tulong sa ilalim ng Ikalawang Batch ng ‘UPLIFT Program’ ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (DSWD) noong ika-5 ng Agosto, sa tulong-suporta ng Tanggapan ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan (CSWDO).

‎Umabot sa 1,719 na benepisyaryo mula sa 22 barangay ang tumanggap ng kani-kanilang uplift payout — kabilang ang Aguada, Balatanay, Baluno, Begang, Binuangan, Busay, Cabunbata, Calvario, Carbon, Diki, Doña Ramona, Isabela Eastside, Isabela Proper, Kapatagan Grande, Kapayawan, Kaumpurnah Zone I, II, at III, Kumalarang, La Piedad, Lampinigan, at Lanote.

‎Layunin ng ‘UPLIFT Program’ na bigyan ng dagdag na suporta ang mga miyembro ng komunidad, bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod ng pambansang pamahalaan sa mga programang pangkaunlaran at pantulong-panlipunan.

Ipinagmalaki ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang mabilis at maayos na pagsasagawa ng aktibidad, bunga ng malapit na koordinasyon sa pagitan ng DSWD Isabela City, CSWDO, gayundin ang tulong ng mga barangay officials.

‎Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pagsuporta sa mga programa ng pambansang pamahalaan tungo sa pag-abot ng tulong sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa lungsod. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni K. Galano, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

ISABELA CITY HOSTS ENVIRONMENTAL SUMMIT, DRIVES PARTNERSHIPS FOR CIRCULAR ECONOMY

The City Government of Isabela brought together local government leaders, national government agencies, private sector representatives, investors, development partners, and other key stakeholders on August 19 for the Environmental Summit + Investment Forum, a three-day gathering being held from August 18 to 20. The event highlights innovation, partnerships, and investment

Read More »

ISABELA CITY ITINATAMPOK ANG MGA INISYATIBANG PANGKAPALIGIRAN SA EPR SUMMIT

Nagtipon sa Lungsod ng Isabela ang mga kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, development partners, pribadong sektor, at iba pang stakeholder para sa EPR Environmental Summit + Investment Forum 2026, na may temang “Closing the Loop: Strengthening Solid Waste Management through Innovation and Partnership.” Gaganapin mula Agosto 18 hanggang

Read More »

WHO, KATUWANG NG ISABELA CITY SA MAS MATATAG NA TOBACCO CONTROL

Nakipagpulong ang kinatawan ng World Health Organization (WHO) Philippines kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman noong Agosto 18 upang talakayin ang mga hakbang para sa pagpapaigting ng tobacco control initiatives sa Lungsod ng Isabela. Sa pagbisita, binigyang-diin ng WHO ang kahalagahan ng pagbuo ng mga lokal na ordinansang naaayon sa

Read More »

IKALAWANG SESYON NG SAKAYAN-KAALAMAN 4.0, ISINAGAWA SA WESTSIDE ES KASAMA ANG UGNAYANG PANGNUTRISYON NG LUNGSOD

Matagumpay na isinagawa ang ikalawang sesyon ng Sakayan-Kaalaman 4.0 sa Westside Elementary School, sa ilalim ng inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman at sa pangunguna ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon, sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, Agosto 17. Pinangunahan ang gawain ni Mobile Library Focal Person Jham-Jham Kalbi, katuwang

Read More »