Nakipagpulong si Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman sa mga opisyal ng Regional Mobile Force Battalion 9B sa isang courtesy call, ika-5 ng Agosto, upang higit pang palakasin ang ugnayan at koordinasyon sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa lungsod.
Sa naturang courtesy call, ipinakilala ang bagong RMFB 9B Isabela Forward Base Force Commander na si PLTCOL Sabri Lakibul, Tinalakay sa pagpupulong ang pagpapalakas ng pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod at RMFB 9B sa paghahatid ng serbisyo publiko at pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa seguridad at kapakanan ng komunidad. Naroroon din sina RMFB 9B Platoon Leader PLT Alweizer Khaled Jalil at PMAJ Haran Ulah.


Nagpahayag si Punong Lungsod Turabin-Hataman ng kanyang pasasalamat sa patuloy na dedikasyon sa pangangalaga sa kapayapaan at seguridad ng mga Isabeleño. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan upang mas epektibong maisulong ang kaayusan, katatagan, at kaunlaran ng lungsod.

Naging mahalagang pagkakataon ang pagpupulong upang tukuyin ang mga larangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at RMFB 9B tungo sa pagkakaroon ng mas ligtas, mapayapa, at matatag na Isabela City.






