Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman kasama si Board Member Ahmed Ibn Djaliv Turabin-Hataman, ang tatlumpung (30) Opisyal-Estudyante ng Public Safety Officers Basic Course (PSOBC) mula sa National Police College–Zamboanga Campus para sa kanilang Local Agency Educational Visit ika-5 ng Agosto.
Pinangunahan nina Campus Director PLTCOL Benigno Balisi Jr. at Learning Director Prof. Criselda Ricohermoso ang delegasyon bilang bahagi ng Program of Instruction ng Philippine Public Safety College, na naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga magiging lider ng pampublikong kaligtasan sa lokal na pamamahala, public safety administration, at community engagement.




Napili ang Lungsod ng Isabela bilang learning site dahil sa mga programa nito sa good governance, peace and order, disaster risk reduction and management, at community resilience. Sa pagbisita, natutuhan ng mga opisyal-estudyante ang mga pinakamahusay na praktis ng lungsod sa pagpapanatili ng kapayapaan at paghahatid ng mahusay na serbisyo publiko.






