SA PAGSISIMULA NG LINGGO NG KABATAAN 2026, HIGIT SA 200 LUMAHOK SA ‘SINGLLAB RUN FOR A CAUSE’

Pormal nang sinimulan ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 sa Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Singlab Run for a Cause 2026, Agosto 1, sa Isabela City Park at nilahukan ng mahigit 200 kabataang Isabeleño at running enthusiasts na sama-samang tumakbo para sa isang makabuluhang layunin.

May temang “Different Contexts, Common Aspirations,” nagsilbing unang hakbang ang fun run tungo sa isang serye ng mga aktibidad na naglalayong ipakita ang talento, kakayahan, pagkakaisa, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagbuo ng mas matatag at progresibong komunidad.

Sa pangunguna ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, sa pamamagitan ng Isabela Locsl Youth Development Office na pinamumunuan ni LYDO Levinia Perez-Jarejolne, katuwang ang Sangguniang Kabataan Federation na pinamumunuan ni SK Federation President Naila Belleng, at katuwang ang Isabela City Youth Development Council na patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ang mga programang nagbibigay ng makabuluhang espasyo para sa kabataan na mamuno, maglingkod, lumikha, at maging bahagi ng pagbabago.

Naging tampok din sa matagumpay na pagbubukas ng selebrasyon ang pagkilala sa mga nanguna sa Singlab Run for a Cause 2026.

Ang mga nagwagi ay:

5KM MALE

1st Place: Raven Ignacio — Race Bib No. 104

2nd Place: Christehard Garcia — Race Bib No. 019

3rd Place: Aldrin Abduraji — Race Bib No. 101

5KM FEMALE

1st Place: Jenny FloresRace Bib No. 032

2nd Place: Myzandra Ali Race Bib No. 077

3rd Place: Race Bib No. 109

3KM MALE

1st Place: Denver Sali — Race Bib No. 136

2nd Place: Tarik Lara — Race Bib No. 041

3rd Place: Marjuk Saluan — Race Bib No. 004

3KM FEMALE

1st Place: Daylyn Sali — Race Bib No. 149

2nd Place: Sophia Liane Neri — Race Bib No. 141

3rd Place: Nurhafiza Hussiea — Race Bib No. 094

Ang Singlab Run for a Cause 2026 ay simula pa lamang ng mas masigla at makabuluhang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, na magtatampok ng iba’t ibang programa at aktibidad para sa kabataang Isabeleño.

Mula sa fun run hanggang sa mga susunod pang aktibidad, inaanyayahan ang bawat kabataang Isabeleño na makilahok, makiisa, at maging bahagi ng isang henerasyong may iisang mithiin—ang patuloy na pag-unlad ng kanilang sarili, kapwa kabataan, at ng buong Lungsod ng Isabela. (Sulat ni KC Lim/Kuha ni C. Digon, IsaTV)

#LinggoNgKabataan2026

#LINK2026

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

BION PATROL | LOCAL GOVERNMENT SUPPORT FUND-FINANCIAL ASSISTANCE (LGSF-FA)

Patuloy ang pamamahagi ng Pamahalaang Panlungsod ng Isabela ng sampung (10) kilong bigas sa iba’t ibang barangay sa lungsod sa ilalim ng ₱23 milyong Local Government Support Fund–Financial Assistance (LGSF-FA) para sa Assistance to Indigent Individuals or Families – Rice Distribution Project ng Bagong Pilipinas Rice Program ni Pangulong Ferdinand

Read More »

BION PATROL | ADOLESCENT HEALTH ADVOCACY ACTIVITY

Isinagawa sa Barangay Carbon ang isang ‘Adolescent Health Advocacy Activity’ na may temang “Healthy Young Ones,” ika-18 ng Agosto. Layunin ng gawaing ito na gabayan at bigyang-kaalaman ang mga kabataan ukol sa pangangalaga ng kanilang pisikal, mental, at emosyonal na kalusugan. ‎ ‎​Ang nasabing programa ay matagumpay na naipatupad sa

Read More »

BION PATROL | DENGUE AWARENESS ADVOCACY SA BARANGAY LUMBANG

Upang mapanatiling ligtas at malusog ang komunidad laban sa bantang dulot ng dengue, matagumpay na isinagawa ang Dengue Awareness Advocacy sa Barangay Lumbang Covered Court noong ika-13 ng Agost, sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Norha Jajimin. ‎ ‎​Naging kabahagi sa mahalagang gawaing ito si Punong Barangay Hayma Omar, kasama

Read More »

LUNGSOD NG ISABELA BILANG ‘HUMAN RIGHTS CITY,’ ISINUSULONG

Nakipagpulong ang Komisyon sa Karapatang Pantao (CHR) IX kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, Agosto 20, upang talakayin ang mga susunod na hakbang tungo sa layunin na maging Human Rights City ang Lungsod ng Isabela. Isinagawa ang consultation meeting noong Hunyo 23, na nakatuon sa mga posibleng larangan ng pakikipagtulungan,

Read More »