IKATLONG SAKAYAN-KAALAMAN READING PROJECT, GAGANAPIN SA KAUMPURNAH ELEMENTARY SCHOOL

Pormal na inilunsad ang Sakayan-Kaalaman 3.0 noong Agosto 18 sa Kaumpurnah Elementary School, sa pangunguna ng Schools Division Office-Isabela City sa pamumuno ni OIC-Schools Division Superintendent Ma. Laarni Villanueva, EdD, CESO VI, at ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Layunin ng programang ito na matulungan ang mga batang […]
IBA’T IBANG ISYUNG KINAKAHARAP NG KABATAAN, TINALAKAY SA ‘BASILAN YOUTH AGORA’

Sa pangunguna ni Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman, matagumpay na inilunsad ang Basilan Youth Agora 2025 ika-18 ng Agosto sa BUP Headquarters sa Barangay Sunrise. Bilang unang yugto ng serye, 30 kabataan ang tumalakay sa mahahalagang isyu at nagmungkahi ng mga solusyon sa pamamagitan ng talakayan at presentasyon. Ang susunod na tatlumpu ay nakatakdang […]
PROJECT ZERO: KABABAIHAN NG KAUMPURNAH, KATUWANG SA ORGANIC COMPOST FACILITY NG LUNGSOD

Pormal na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang Organic Compost Facility sa ilalim ng Project ZERO: Zero Waste, Zero Chemicals, Zero Hunger sa mga kababaihan ng Barangay Kaumpurnah Zone II ika-18 ng Agosto, sa Kaumpurnah Elementary School. Ang kinakatayuan ng nasabing proyekto ay dating isang dumpsite o tambakan ng basurahan ng Kaumpurnah Elementary School […]
60 KABABAIHAN, SUMAILALIM SA PAGSASANAY SA ISLAMIC WASHING O JANAZAH SA LUNGSOD NG ISABELA

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan para sa Pagpapaunlad ng mga Lokal na Madrasah ng Lungsod (CLMDO) sa pamumuno ni Dr. Nujum Datu Indal at ng Programa para sa Kasarian at Pagpapaunlad (GAD) sa pangunguna ni Mendry Ann Lim, ang Islamic Washing o Janazah Training for Women noong ika-16 […]
MGA KALAHOK SA 2025 HAPISABELA YOUTH SUMMIT, NANINDIGAN PARA SA YAMANG-DAGAT NG LUNGSOD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na naisakatuparan ang HAPIsabela Youth Summit 5.0: The Fifth Wave, Agosto 17, sa 19th SF Magnitude Company, Barangay Tabuk, na nagsilbing kulminasyon ng tatlong araw na pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at pagbabahagi ng karanasan ng mga kabataang Isabeleño. Sa huling araw ng tatlong-araw na summit, maagang gumising […]
KASANAYAN SA WASAR, TAMPOK SA IKALAWANG ARAW NG 2025 HAPISABELA YOUTH SUMMIT
Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na idinaos ang ikalawang araw ng HAPIsabela Youth Summit 5.0: The Fifth Wave, Agosto 16, sa Hami Beach, Barangay Baluno. Sa unang bahagi ng programa, isinagawa ang Water Search and Rescue (WASAR) Short Course at Sea Level Check na pinangunahan ng resource speaker mula sa […]
MABUTING PAMAMAHALA, PANALO SA BAYAN

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang matapos ang halalan, nagtipon ang mga convenor ng Mayors for Good Governance (M4GG) — sina Mayor Benjie Magalong, Mayor Vico Sotto, at Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman — upang talakayin ang mga estratehiya para higit pang palakasin ang kanilang sama-samang laban kontra graft at korapsyon. Lahat ng convenors ay muling […]
PANGANGALAGA SA YAMANG-DAGAT, SENTRO NG IKALIMANG TAON NG HAPISABELA YOUTH SUMMIT

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025 at kaugnay ng International Youth Day, pormal na inilunsad noong Agosto 15 ang HAPIsabela Youth Summit 5.0: The Fifth Wave na may temang A.L.O.N. – Advancing Leadership through Oceanic Nurturing. Layunin ng tatlong-araw na pagtitipon na palakasin ang kaalaman, partisipasyon, at kakayahan ng kabataan sa pangangalaga […]
