IBA’T IBANG ISYUNG KINAKAHARAP NG KABATAAN, TINALAKAY SA ‘BASILAN YOUTH AGORA’

Sa pangunguna ni Board Member Ahmed Ibn Djaliv Hataman, matagumpay na inilunsad ang Basilan Youth Agora 2025 ika-18 ng Agosto sa BUP Headquarters sa Barangay Sunrise.
Bilang unang yugto ng serye, 30 kabataan ang tumalakay sa mahahalagang isyu at nagmungkahi ng mga solusyon sa pamamagitan ng talakayan at presentasyon. Ang susunod na tatlumpu ay nakatakdang lumahok sa ikalawang yugto ng Agora sa Setyembre.
Kabilang sa mga isyung natalakay sa plenary sharing at youth forum ang kahirapan, maagang pag-aasawa, teenage pregnancy, edukasyon, kawalan ng trabaho, pang-aabuso sa kapangyarihan, online gambling addiction, at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Layunin ng mga diskusyon na palalimin ang partisipasyon ng kabataan sa pagtugon sa mga hamon ng lipunan at sa paghubog ng isang makabuluhan at inklusibong kinabukasan.
Binigyang-diin ni Konsehal Al-Ameen Camlian na ang kabataan ay hindi lamang mga pinuno ng hinaharap kundi mga lider na rin sa kasalukuyan. Kanyang inilahad ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok sa demokrasya, paggamit ng teknolohiya para sa makabuluhang pagbabago, at pagpanday ng pamumuno upang makaharap ang mga hamon ng panahon.
Nagpahayag ng suporta ang iba’t ibang sektor kabilang ang Pambansang Komisyon para sa mga Katutubong Mamamayan (NCIP), Himpilan ng Kapulisan ng Lungsod ng Isabela, Prelature of Isabela de Basilan, Hukbong Katihan ng Pilipinas, Nagdilaab Foundation, Inc., at DepEd SDO-Isabela City, na kumilala sa Agora bilang mahalagang plataporma para sa pakikipagtulungan at pagbibigay-boses sa kabataan.
Sa kanyang mensahe, ipinunto ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman ang kahalagahan ng pakikinig at pagtugon sa mga hinaing ng kabataan upang makabuo ng kongkretong hakbang sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan at maihanda sila bilang mga susunod na lider ng lipunan. Bilang pagtatapos, nagbigay ng synthesis si Bokal Hataman kung saan muling binigyang-diin ang mahahalagang ideya at inspirasyon mula sa mga naging talakayan.
Ang Basilan Youth Agora 2025 ay naglalayong isulong ang aktibong partisipasyon ng kabataan sa usaping panlipunan, lokal na pag-unlad, at pampublikong pamumuno. Hango sa sinaunang konsepto ng “Agora” ng Greece — isang pampublikong espasyo para sa malayang talakayan — ang programa ay nagsisilbing bukas na plataporma para sa diskurso, kolektibong pag-aaral, at sama-samang pagkilos tungo sa mas inklusibong Basilan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »