MGA KALAHOK SA 2025 HAPISABELA YOUTH SUMMIT, NANINDIGAN PARA SA YAMANG-DAGAT NG LUNGSOD

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2025, matagumpay na naisakatuparan ang HAPIsabela Youth Summit 5.0: The Fifth Wave, Agosto 17, sa 19th SF Magnitude Company, Barangay Tabuk, na nagsilbing kulminasyon ng tatlong araw na pagkatuto, pakikipag-ugnayan, at pagbabahagi ng karanasan ng mga kabataang Isabeleño.
Sa huling araw ng tatlong-araw na summit, maagang gumising ang mga kalahok upang tumungo sa Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig (BFAR) Sanctuary para sa isang makabuluhang hands-on experience sa scuba diving. Dito, higit nilang naunawaan ang kahalagahan ng pangangalaga at proteksyon sa yamang-dagat ng lungsod. Pagkatapos ng aktibidad, nagbalik sila sa kanilang campsite upang ipagpatuloy ang iba pang gawain.
Kabilang sa mga pangunahing tampok ng araw ang Project Pitching (A.L.O.N.), kung saan ipinakita at ipinaglaban ng bawat grupo ang kanilang mga proyekto para sa presentasyon at pagboto. Layunin nitong masanay ang kabataan sa pagbabalangkas at pagsusulong ng mga inisyatiba na makakatulong sa kanilang komunidad.
Ang kabuuang aktibidad ay isinakatuparan sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela sa pamamagitan ng Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) sa pamumuno ni Hepe Levinia Jarejolne, katuwang ang 6th Special Forces Battalion (6th SFBn) at 19th SF Magnitude Company.
Sa temang A.L.O.N. – Advancing Leadership through Oceanic Nurturing, itinampok ng summit ang kahalagahan ng pagpapalawak ng kamalayan at aktibong partisipasyon ng kabataan sa pangangalaga ng kalikasan at karagatan, kasabay ng paghubog ng kanilang kakayahan sa pamumuno at tapat na paglilingkod sa komunidad.
Sa pagtatapos ng HAPIsabela Youth Summit 5.0, muling pinatunayan ng kabataang Isabeleño na sila ay matatag, masigasig, at may matibay na paninindigan—handang manguna at magbigay ng makabuluhang ambag para sa pangangalaga ng kapaligiran at sa patuloy na pag-unlad ng kanilang komunidad. (Sulat ni KJ Lim/Kuha ni KC Galos, IsaTV)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »