PROJECT ZERO: KABABAIHAN NG KAUMPURNAH, KATUWANG SA ORGANIC COMPOST FACILITY NG LUNGSOD

Pormal na ipinagkaloob ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang Organic Compost Facility sa ilalim ng Project ZERO: Zero Waste, Zero Chemicals, Zero Hunger sa mga kababaihan ng Barangay Kaumpurnah Zone II ika-18 ng Agosto, sa Kaumpurnah Elementary School. Ang kinakatayuan ng nasabing proyekto ay dating isang dumpsite o tambakan ng basurahan ng Kaumpurnah Elementary School na ngayon ay isa ng pook pangkaalaman para sa mga gustong matuto ng organic farming.
Ang pasilidad na nagkakahalaga ng P586,666.66 at pinondohan sa ilalim ng Programa para sa Kasarian at Pagpapaunlad (GAD) ay ipinatupad ng Tanggapan ng Pangkalahatang Serbisyo (CGSO). Layunin nitong gawing organikong pataba ang mga nabubulok na basura upang makatulong sa pagbabawas ng basura, pagpapanumbalik ng sustansya ng lupa, at pagtataguyod ng sustenableng produksyon ng pagkain. Pangunahing benepisyaryo ng proyekto ang mga kababaihan at mga ina ng mga mag-aaral sa Kaumpurnah Elementary School, na inaasahang magiging katuwang sa pagpapanatili ng pasilidad at sa pagpapatupad ng wastong pamamahala ng basura sa kani-kanilang tahanan.
Sa kanyang mensahe ng suporta, binigyang-diin ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos at pagkakaroon ng pangarap para sa komunidad. “Ang pinakamahalaga sa nangyayari sa Lungsod ng Isabela ay yung meron tayong mga pangarap, meron tayong mga gustong gawin, at madaming nagtutulong-tulong para maisakatuparan ito,” aniya. Dagdag pa ng alkalde, mahalaga ang proyektong ito upang magkaroon ng patutunguhan ang basura, maitaguyod ang zero hunger, at makahanap ng solusyon sa suliranin sa basura.
Dumalo rin sa nasabing turnover sina CIO at GAD Focal Mendry-Ann Lim, Community Affairs Associate Anna Sahibil, Isabela East District II PSDS Rachel Oliveros at Punongguro ng Kaumpurnah Elementary School na si Rasheeva Atara. Nangako ang mga benepisyaryo na kanilang pananatilihin ang pasilidad at titiyakin na mapapakinabangan ito ng mas nakararaming mamamayan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »