LINGGO NG KABATAAN 2025 SA LUNGSOD, SINALUBONG NG ‘COLOR FUN RUN FOR A CAUSE’

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa ilalim ng pamumuno ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, at ng Tanggapan ng Lokal na Pagpapaunlad ng Kabataan (LYDO) na pinamumunuan ni Levinia Jarejolne, pormal na sinimulan ang pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa pamamagitan ng Color Fun Run for a Cause na may temang “Local Youth Actions […]
ISYU SA TRAPIK AT REGULASYON SA MGA TRICYCLE SA LUNGSOD, SOSOLUSYUNAN

Nagsagawa ng koordinasyon at talakayang pulong ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Lungsod na pinamumunuan ni Pedrito Eisma, ika-8 ng Agosto, upang tugunan ang mga isyu kaugnay ng pamamahala sa trapiko at pagpapatupad ng Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP) system sa lungsod. Ilan sa mga pangunahing suliranin ay ang […]
HANDOG NG INYONG PAMAHALAANG LUNGSOD

Upang higit pang mapalakas ang seguridad at visibility sa paligid ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Operation Center, pormal na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang pagpapasinaya sa 20 yunit ng solar streetlights, ika-8 ng Agosto. Pinangunahan ito ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, […]
PAGHAHANSA PARA SA ZPRAA 2026, PUSPUSAN NA

Nakipagpulong si Gobernador Mujiv Hataman, ika-7 ng Agosto, sa mga opisyal ng DepEd SDO-Isabela City, sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Ma. Laarni Villanueva, upang talakayin ang mga paghahanda para sa pagdarausan ng Lungsod ng Isabela sa 2025 Zamboanga Peninsula Regional Athletic Association (ZPRAA) Meet. Tinalakay sa pagpupulong ang mga isyung may kaugnayan sa […]
PAGSASANAY SA PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA PARA SA PRODUKSYON NG KALAMANSI, GINANAP

Ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ay nagsagawa ng dalawang-araw na “Package of Technology (POT) Training on Calamansi Management and Production” noong Agosto 7–8, na dinaluhan ng mga magsasaka, lokal na opisyal, at mga kinatawan mula sa sektor ng agrikultura. Pinangunahan ang pagsasanay ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) […]
