ISYU SA TRAPIK AT REGULASYON SA MGA TRICYCLE SA LUNGSOD, SOSOLUSYUNAN

Nagsagawa ng koordinasyon at talakayang pulong ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Tagapangasiwa ng Lungsod na pinamumunuan ni Pedrito Eisma, ika-8 ng Agosto, upang tugunan ang mga isyu kaugnay ng pamamahala sa trapiko at pagpapatupad ng Motorized Tricycle Operator’s Permit (MTOP) system sa lungsod.
Ilan sa mga pangunahing suliranin ay ang lumalalang pagsisikip ng daloy ng trapiko, paglabag sa itinakdang ruta, iregularidad sa pagsunod sa mga patakaran ng MTOP, at kakulangan sa mahigpit na pagpapatupad ng batas. Ang mga problemang ito ay may malaking epekto sa kaligtasan ng publiko, maayos na mobilidad, at kahusayan ng serbisyo sa lungsod.
Tinalakay sa pulong ang mga layuning kinabibilangan ng: masusing pagsusuri sa kasalukuyang kondisyon ng trapiko at mga mekanismo ng pagpapatupad ng batas; pagrerepaso ng mga patakaran sa MTOP, pagsunod sa itinakdang ruta, at koordinasyon sa mga Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODA); pagkilala sa mga puwang o kakulangan sa operasyon at regulasyon; pagpapalakas ng ugnayan at pagtutulungan ng iba’t ibang tanggapan upang makabuo ng kongkretong solusyon; at pagmumungkahi ng mga polisiya o panukalang batas para higit pang mapatatag ang sistema ng pamamahala sa trapiko.
Dumalo sa naturang pulong ang mga kinatawan mula sa Himpilan ng Pulis (ICPS), Hepe ng BPLO Albert Porticos, CGSO Eugene Strong, Abogado ng Lungsod Atty. Rosebell Sanson, at mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Pagpaplano at Pag-unlad.
Layunin ng hakbang na ito na tiyakin ang mas maayos, ligtas, at episyenteng daloy ng trapiko sa Lungsod ng Isabela, bilang bahagi ng pangkalahatang adbokasiya ng pamahalaang lungsod para sa isang organisado at progresibong komunidad. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »