HANDOG NG INYONG PAMAHALAANG LUNGSOD

Upang higit pang mapalakas ang seguridad at visibility sa paligid ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Operation Center, pormal na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang pagpapasinaya sa 20 yunit ng solar streetlights, ika-8 ng Agosto. Pinangunahan ito ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, at dinaluhan din ni Bokal ng Unang Distrito ng Basilan, Ahmed Ibn Djaliv Hataman.
Ang proyekto, na nagkakahalaga ng P899,248.94, ay pinondohan sa ilalim ng 20% Development Fund. Bahagi ito ng mga inisyatibo ng Pamahalaang Lungsod upang matiyak ang ligtas, maayos, at episyenteng paggamit ng enerhiya para sa ilaw ng pasilidad, lalo na sa mga operasyon tuwing gabi at sa panahon ng mga emergency response.
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »