YOUTH SPACE MENTORS SUMAILALIM SA PAGSASANAY PARA SA SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

Bilang paghahanda para sa nalalapit na Sakayan Kaalaman 4.0 Reading Sessions, sumailalim sa pagsasanay, ika-13 ng Agosto, ang mga bagong mentors ng Youth Space Mentoring Program (YSMP) upang higit na mapahusay ang kanilang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagtuturo at paggabay sa mga batang kalahok. Ang programang ito ay isang inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti […]

MGA PANUKALANG ORDINANSA NG BASILAN, TAMPOK SA ‘YOUTH LEGISLATION DAY’

Hindi lamang boses kung ‘di mga konkretong panukala ang inihatid ng mga kabataang Basileño sa isinagawang Basilan Youth Legislation Day (BYLD) nitong Agosto 13, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan. ‎ ‎Layunin ng aktibidad na palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kabataang Basileño sa proseso ng paggawa ng mga ordinansa at iba […]

25 PWD, SUMAILALIM SA PAGSASANAY SA BREAD AND PASTRY PRODUCTION NCII

May kabuuang 25 Persons with Disabilities (PWDs) ang lumahok sa Training Induction Program para sa Bread and Pastry Production NC II ng MBHTE PTC-Basilan, sa pakikipagtulungan ng Tanggapan ng mga Persons with Disabilities Affairs (CPDAO), na pinamumunuan ni PDAO Head Gemma Paculio, ika-13 ng Agosto sa CPDAO Lounge. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga […]

BASILAN, BUMABA ANG INFLATION RATE SA 9.6% NITONG HULYO 2026

Idineklara ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA) Basilan Provincial Statistical Office na bumaba ang inflation rate sa Basilan sa 9.6 porsyento nitong Hulyo 2026, mula sa 9.8 porsyento noong Hunyo. Ito ay inihayag sa kauna-unahang Live Inflation Report Briefing na ginanap sa Provincial Statistical Office, Barangay Aguada, ika-13 ng Agosto. ‎ ‎Sa kanyang presentasyon, […]

LGU-ISABELA CITY, KATUWANG ANG NCIP AT IPS, NAGKALOOB NG TULONG-BIGAS SA MGA KATUTUBONG PAMILYA

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng International Day of the World’s Indigenous Peoples noong Agosto 9, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Isabela ng pamamahagi ng tig-10 kilo ng bigas sa mga katutubong pamilya sa lungsod. Pinangunahan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman ang programang “Serbisyong Damang Dahma,” katuwang ang National Commission on Indigenous Peoples at ang […]

LCPC, LCAT-VAWC, CIAC SABAYANG NAGPULONG

𝗟Isinagawa noong ika-12 ng Agosto ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at City Inter-Agency Committee (CIAC) sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod. Pinangunahan ang pagpupulong ni Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul, Tagapangulo ng Komite sa Serbisyong […]

‘KAPIHAN FORUM’ ISINAGAWA NG PHILHEALTH, PIA BASILAN

Nagtipon-tipon ang mga radio anchors, media practitioners, at barangay information officers nitong ika-12 ng Agosto para sa Kapihan with Media and Information Officers’ Forum, isang inisyatiba ng Philippine Health Insurance Corporation – Local Health Insurance Office Basilan, katuwang ang Philippine Information Agency – Basilan at Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko (CIO). ‎ ‎Dumalo sa nasabing forum […]