‘KAPIHAN FORUM’ ISINAGAWA NG PHILHEALTH, PIA BASILAN

Nagtipon-tipon ang mga radio anchors, media practitioners, at barangay information officers nitong ika-12 ng Agosto para sa Kapihan with Media and Information Officers’ Forum, isang inisyatiba ng Philippine Health Insurance Corporation – Local Health Insurance Office Basilan, katuwang ang Philippine Information Agency – Basilan at Tanggapan ng Impormasyong Pampubliko (CIO).

‎Dumalo sa nasabing forum ang 97.5 Nutrieskwela R.K. radio anchors, ISATv Production Team at 45 na barangay information officers ng Lungsod ng Isabela sa pangunguna ni CIO Mendry-Ann Lim, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at iba pang mga media practitioners ng probinsya, na naglalayong magbigay-linaw at update tungkol sa PhilHealth YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program) — ang bagong programa ng pamahalaan na naglalayong “Para Malayo sa Sakit” ang bawat Pilipino sa pamamagitan ng checkup, gamot, cancer screening, at laboratory tests.

‎Sa kanyang pangbukas na mensahe, binigyang-diin ni Chief Social Insurance Officer Genevieve Pascua ang mahalagang papel ng mga information officer bilang tulay ng impormasyon patungo sa mga ordinaryong Pilipino. Aniya, dapat maging naaabot, naiintindihan, at malinaw ang impormasyong ibinabahagi upang maiwasan ang di-pagkakaunawaan at maling impormasyon. Idinagdag din niya na ang kapangyarihan ng tama at napapanahong komunikasyon ay susi upang mabigyan ng kapangyarihan ang mga Pilipino, at tuluyang makamit ang universal healthcare coverage para sa lahat.

‎Sa naging rationale naman, sinabi ni PIA Information Center Manager Nilda Delos Reyes na mahalaga ang Kapihan Forum bilang isang makabuluhang plataporma kung saan nagtatagpo ang media at information officers upang magpalitan ng ideya patungkol sa impormasyong pangkalusugan. Layunin nito na pagtibayin ang pagkakaisa sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon tungkol sa mga benepisyo ng YAKAP Program, upang walang maiwan sa mga Basileño at Isabeleño.

‎Binuksan ni Membership Designate Roberto Ong Jr. ang unang sesyon sa pamamagitan ng maikling introduksyon at 2026 updates hinggil sa membership para sa PhilHealth YAKAP Program. Sinundan ito ni Information Officer Designate Sherma Ayna Marie Abdalul na nagbahagi ng mga detalye kung paano magparehistro at makakuha ng benepisyo. Ayon sa kanya, kailangan lamang ng aktibo o inactive man na PhilHealth Identification Number (PIN) upang makapagparehistro. Indibidwal din ang pagrehistro sa YAKAP kahit rehistrado na ang head of family, para sa mga 21 taong gulang pataas.

‎Dagdag nito, maaari ring magparehistro sa apat na paraan: sa eGovPH app, PhilHealth Member Portal, lokal na tanggapan ng PhilHealth, o direkta sa YAKAP Clinic. Sa ilalim ng YAKAP Clinic, mare-reseta ang iba’t ibang laboratory tests tulad ng CBC, lipid profile, at chest X-ray; cancer screenings gaya ng mammogram at colonoscopy mula sa accredited hospital lab; at gamot mula sa accredited pharmacies. “Sa Bagong Pilipinas, Malayo ka sa Sakit” ang naging tema ng kanyang presentasyon.

‎Sa huling sesyon, tinalakay naman ni Field Office Unit Supervisor J-Gil Tan ang Primary Care Packages at ang PhilHealth Primary Care at Out-patient Benefits. Binigyang-diin niya na malaking papel ang ginagampanan ng mga media at information officer sa pagpapalaganap ng impormasyong ito sa kani-kanilang mga constituents.

Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga kinatawan mula sa Prelature of Basilan, Veterans of Basilan, PIO, NCIP, BFP, WERPA, CPMDO/CHO, PESO, CENRO, at CIO/ISATV.

‎Nagtapos ang programa sa isang open forum kung saan naibahagi ng mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ang kanilang mga katanungan at concerns patungkol sa PhilHealth YAKAP Program.

‎Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na pinatitibay ng LHIO Basilan at PIA-Basilan ang kolaborasyon sa mga information officer tungo sa isang mas malawak at mas maunawaing pagpapalaganap ng serbisyong pangkalusugan para sa bawat Basileño at Isabeleño. (Sulat ni S. Angging, CIO/Kuha ni C. Digon, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »