BASILAN, BUMABA ANG INFLATION RATE SA 9.6% NITONG HULYO 2026

Idineklara ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (PSA) Basilan Provincial Statistical Office na bumaba ang inflation rate sa Basilan sa 9.6 porsyento nitong Hulyo 2026, mula sa 9.8 porsyento noong Hunyo. Ito ay inihayag sa kauna-unahang Live Inflation Report Briefing na ginanap sa Provincial Statistical Office, Barangay Aguada, ika-13 ng Agosto.

‎Sa kanyang presentasyon, ipinaliwanag ni Chief Statistical Specialist Masil Mohammadsha, na ang inflation rate ay sumasalamin sa pagbabago ng presyo ng mga bilihin kumpara sa nakaraang buwan. Ayon sa datos, ang average inflation ng lalawigan mula Enero hanggang Hulyo ay nasa 7.6 porsyento.

‎Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation ay ang deceleration sa pagkain at non-alcoholic beverages group, kung saan bumaba ang presyo ng mga produkto tulad ng gatas at itlog, gulay, at isda. Bumaba rin ang presyo ng ilang bahagi ng pabahay, tubig, kuryente, gas, at fuels, partikular na sa kuryente at gas.

‎Gayunpaman, patuloy pa ring itinuturing na pangunahing kontribyutor sa inflation ang pagkain at non-alcoholic beverages group, kasunod ng transportasyon — kung saan lumitaw ang bigas, gasolina, at iba pang pamamaraan ng transportasyong panlupa bilang mga nangungunang salik na nakaapekto sa presyo ng bilihin sa buong lalawigan.

‎Binigyang-diin din ni Mohammadsha na layunin ng aktibidad na maipalaganap ang tumpak na impormasyon sa publiko upang maunawaan ng mga mamamayan kung paano nakaaapekto ang inflation sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay bilang mga konsumer. Ayon sa kanya, magiging regular na ito buwan-buwan upang masubaybayan kung aling mga commodity ang tumaas o bumaba ang presyo, gayundin ang anumang pagbabago sa merkado.

‎Ipinakita rin sa briefing na mas mataas ang inflation rate na naranasan ng mga kabilang sa bottom 30% income households sa lalawigan, na umabot sa 11.3 porysento noong Hulyo — patuloy na patunay na mas malaki ang epekto ng pagtaas ng presyo sa mga mababang-kita na sambahayan.

‎Sinundan ito ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na magtanong at magpaliwanag pa hinggil sa datos na ipinakita. Ipinahayag din ng PSA na ipapaskil ang buong ulat sa kanilang opisyal na page upang mas marami pang mamamayan ang makakaalam at makaabot ng impormasyong ito.

‎Dumalo rin sa nasabing briefing ang mga kinatawan ng 97.5 Nutrieskwela Radyo Komunidad, IsaTV/City Information Office, at mga Barangay Information Officers, bilang bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa ekonomiya ng lalawigan. (Sulat ni KC Lim/Kuha ni C. Digon, IsaTV)

#HAPIsabela

#IsangBuhayNaMaligayaAtMarangalParaSaLahat

#SaMabutingPamamahalaPanaloAngBayan

Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

CITY HALL PALARO, TAMPOK NGAYONG CIVIL SERVICE MONTH

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Civil Service Month ngayong taon, sinimulan natin ang mga aktibidad sa pamamagitan ng City Hall Palaro—isang masayang pagkakataon para sa ating mga lingkod-bayan na magsama-sama, makipagkaisa, at magsaya bilang isang team. Sa gitna ng mga palaro at paligsahan, higit nating ipinagdiriwang ang camaraderie, teamwork, sportsmanship,

Read More »

CPDAO JOINS THE SIXTH SESSION OF SAKAYAN-KAALAMAN 4.0

The City Persons with Disability Affairs Office (CPDAO) took part in the sixth session of Sakayan-Kaalaman 4.0, held on September 1, at Westside Elementary School. The program is an initiative of the City Government of Isabela, under the leadership of Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman, and is brought to life through

Read More »

ISABELA CITY CONTINUES INTERNATIONAL ISLAMIC SEMINAR WITH FOCUS ON FUTURE-READY LEADERS EDUCATION, AND COMMUNITY DEVELOPMENT

The International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement continued on its second day, August 30, bringing together scholars, educators, students, and community stakeholders for a deeper exploration of leadership, education, technology, mental health, and community development. Following the discussions on the first

Read More »

ISABELA CITY HOSTS INTERNATIONAL ISLAMIC SCHOLARS, LEADERS FOR SEMINAR ON KNOWLEDGE

Scholars, educators, community leaders, and advocates of knowledge-driven development gathered in the City of Isabela for the International Seminar on Islamization & Integration of Knowledge and Workshop on Leadership & Community Engagement, August 29, at Kasinnahan Hotel and Resort, Isabela City, Basilan. Mayor Sitti Djalia A. Turabin-Hataman personally graced the

Read More »