MULTIPURPOSE HALL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA CARO NHS

Pinasinyaan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang bagong-gawang multipurpose hall sa Caro National High School sa Barangay Kapayawan, ika-5 ng Agosto, sa pangunguna ni Bise-Alkalde Ar-Jhemar Ajibon at sa ngalan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman.
Ang nasabing proyekto, na may kabuuang halagang P1,225,952, ay pinondohan mula sa Special Education Fund (SEF) ng lungsod sa inisyatiba ni Alkalde Turabin-Hataman, at layuning suportahan ang mga gawaing pang-akademiko at pangkomunidad ng paaralan.
Binigyang-diin ni Bokal ng Unang Distrito ng Basilan Ahmed Ibn Djaliv Hataman, na dumalo sa aktibidad, na ang edukasyon ang natatanging pamumuhunan na siguradong may balik, at hinikayat ang mga guro at mag-aaral na pahalagahan ang proyektong bunga ng sama-samang pagtutulungan.
Nagpahayag manan ng kani-kanilang pasasalamat sina Punongguro Raquel Tanangonan at Pasangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Lungsod ng Isabela Dr. Ma. Laarni Villanueva sa natanggap na pasilidad.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina SGOD Chief Eduardo Gulang, mga guro, at mga mag-aaral. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng pamahalaang lungsod sa pagpapabuti ng mga pasilidad ng pampublikong paaralan at sa pagpapalakas ng suporta sa sektor ng edukasyon sa lungsod. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni M. Santos, CIO)
Facebook
X
LinkedIn

More from the Newsroom

UNANG ARAW NG LIBRENG ISA-KAYAN PROGRAM, MATAGUMPAY NA UMARANGAKADA

Matagumpay na isinagawa noong ika-23 ng Hulyo, ang unang araw ng Libreng Isa-Kayan Program ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, kung saan, umabot sa 89 na mag-aaral, kasama ang ilang magulang ng mga bata sa kindergarten, ang unang nakinabang sa libreng serbisyo mula alas-6 hanggang alas-9 ng umaga. ‎ ‎Sinimulan ang

Read More »

MAYOR TURABIN-HATAMAN KEYNOTES AIM FUTURE BRIDGING LEADERS PROGRAM

City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman served as keynote speaker during the Public Recital of the Future Bridging Leaders Program (FBLP) Cohort 6 of the Asian Institute of Management (AIM) on July 24 in Makati City. Also present during the event was District 1 Board Ahmed Ibn Djaliv Hataman. With the

Read More »