PAKIKIPAGPULONG SA UNIPORMADONG SEKTOR: PMA ENTRANCE EXAM, SUPORTA SA PNP-FORENSIC GROUP, TINALAKAY

Pormal na tinanggap ni Bise Alkalde Ar-Jhemar Ajibon, na kumatawan kay Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, kasama si Tagapangasiwa ng Lungsod Pedrito Eisma, si Major Mark Ronitt Atilano ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas sa kanilang pagbisita, ika-7 ng Agosto. Layunin ng pagbisita na itaguyod ang kamalayan hinggil sa nalalapit na Philippine Military Academy Entrance Examination […]

LUNGSOD NG ISABELA, NATATANGING PAMAHALAANG PANLUNGSOD SA ZAMPEN NA KABILANG SA OGP LOCALIZATION PROGRAM

𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗭𝗔𝗠𝗣𝗘𝗡 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗢𝗚𝗣 𝗟𝗢𝗖𝗔𝗟𝗜𝗭𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 | Matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela, sa pangunguna ni Alkalde Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Focus Group Discussion (FGD) at Mapping Assessment, ika-7 ng Agosto, bilang bahagi ng pagpapatupad sa Open Government Partnership (OGP) Localization Program. Layunin nitong makakalap […]

PAMBUPLIKONG LIBINGAN PARA SA MGA MUSLIM SA LUMBANG, PINATAYUAN NG KONKRETONG BAKOD

Bilang bahagi ng mga inisyatibong pang-imprastraktura na nakatuon sa kaayusan, kaligtasan, at dignidad ng pampublikong serbisyo, pormal na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang pasinaya ng proyektong bakod (perimeter fence) para sa pampublikong libingan para sa mga Muslim sa Barangay Lumbang, ika-5 ng Agosto. Pinangunahan ang aktibidad ni Bise-Alkalde Ar-Jhemar Ajibon sa ngalan ni […]

MULTIPURPOSE HALL, HANDOG NG PAMAHALAANG LUNGSOD SA CARO NHS

Pinasinyaan ng Pamahalaang Lungsod ng Isabela ang bagong-gawang multipurpose hall sa Caro National High School sa Barangay Kapayawan, ika-5 ng Agosto, sa pangunguna ni Bise-Alkalde Ar-Jhemar Ajibon at sa ngalan ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman. Ang nasabing proyekto, na may kabuuang halagang P1,225,952, ay pinondohan mula sa Special Education Fund (SEF) ng lungsod sa […]

PANREHIYONAL NA SALUBONG SA ‘BUWAN NG PAGPAPLANO NG PAMILYA’, GINANAP SA LUNGSOD NG ISABELA

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Kalusugan – Sentro ng Pagpapauland Pangkalusugan IX (DOH-ZPCHD), pormal na binuksan ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagpaplano ng Pamilya (Family Planning Month) sa Lungsod ng Isabela, ika-4 ng Agosto. Katuwang ng Pamahalaang Lungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, ang Komisyon sa Populasyon at Pagpapaunlad (CPD) […]