Bilang paghahanda para sa nalalapit na Sakayan Kaalaman 4.0 Reading Sessions, sumailalim sa pagsasanay, ika-13 ng Agosto, ang mga bagong mentors ng Youth Space Mentoring Program (YSMP) upang higit na mapahusay ang kanilang kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pagtuturo at paggabay sa mga batang kalahok.
Ang programang ito ay isang inisyatiba ni Punong Lungsod Sitti Djalia Turabin-Hataman, na binigyang-buhay sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pampublikong Impormasyon sa pamumuno ni CIO Mendry-Ann Lim, katuwang ang Lokal na Tanggapan para sa Pag-unlad ng Kabataan sa pangunguna ni LYDO Levinia Jarejolne.
Isinagawa ang nasabing training at orientation bilang paghahanda sa mga bagong mentors na magiging bahagi ng reading sessions para sa mga mag-aaral ng Westside Elementary School, sa pamumuno ni Punongguro Nurrahma Abubakar.




Pinangunahan at pinadali ang training ni Mobile Library Focal Jham-Jham Kalbi, habang nagbahagi naman ng mahahalagang kaalaman at gabay si PSDS at Reading Coordinator Dr. Fadher Ismael, partikular sa mga epektibong pamamaraan ng reading intervention at pagtuturo.
Sa pamamagitan ng sama-samang paghahanda, dedikasyon, at pagtutulungan, layunin ng Sakayan Kaalaman 4.0 na maging mas makabuluhan, mas epektibo, at mas masaya ang bawat reading session para sa mga batang Isabeleño. (Sulat at Kuha ni. J. Kalbi, CIO)






