𝗟Isinagawa noong ika-12 ng Agosto ang 3rd Quarter Joint Meeting ng Local Council on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), Local Council for the Protection of Children (LCPC), at City Inter-Agency Committee (CIAC) sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod. Pinangunahan ang pagpupulong ni Konsehal Karel Annjaiza Sakkalahul, Tagapangulo ng Komite sa Serbisyong Panlipunan, at Komite sa Kababaihan, mga Bata, at mga Ugnayang Pampamilya.
Tinalakay sa ilalim ng LCAT-VAWC ang update sa TIP at VAWC cases mula Enero hanggang Hulyo 2026 mula sa WCPD/ICPS, gayundin ang mga programang ipinatupad ng LCAT-VAWC mula Enero hanggang Hulyo 2026 mula sa CSWDO, at iba pang mga usapin.




Para naman sa LCPC, kabilang sa mga agenda ang functionality assessment ng LCPC at VAWC Desk ng IMTF/LCPC members, assessment indicators para sa functionality ng LCPC at VAWC Desk, LCPC utilization rate para sa unang semestre, at panukalang ordinansa/resolusyon para sa mga child protection policies, kasama ang iba pang mga usapin. Samantala, tinalakay sa CIAC ang mga program plans at updates at iba pang mahahalagang usapin. Kasama rin sa mga tinalakay ang pagkuha ng psychiatrist sa ilalim ng POPS Plan, bilang bahagi ng pagpapalakas ng mental health at psychosocial support services ng pamahalaang lungsod.
Dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa mga kaukulang tanggapan at partner agencies upang talakayin ang mga isyung may kaugnayan sa proteksyon ng kababaihan at mga bata, anti-trafficking, at pagpapatibay ng mga mekanismo para sa kanilang kapakanan at kaligtasan. (Sulat ni SJ Asakil/Kuha ni J. Kalbi, CIO)






