Nakatanggap ng mga PagbaBAGo bags ang mga mag-aaral ng Lower Bañas Elementary School at Upper Manggas Elementary School noong Agosto 12 bilang bahagi ng programang pang-edukasyon ng Office of the Vice President.
Pinangunahan ni Ibno Turabin, founder ng Earth Soul Agri Techno Farm Institute, Inc., ang pamamahagi ng mga bag sa mga mag-aaral sa koordinasyon ng mga kinauukulang katuwang ng programa.




Layunin ng programang PagbaBAGo ni Bise Presidente Sara Duterte na makapagbigay ng suporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kagamitang makatutulong sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa bagong taon ng pasukan.






